MR 34: Daily Dose (Ɔ ˘⌣˘)♥(˘⌣˘ C)

4.1K 106 6
                                    

Missing Reality 34: Daily Dose (Ɔ ˘⌣˘)♥(˘⌣˘ C)

~Eurice, the Coldest Ice~ 

Umalis na sila. Nakakamiss. Kahit sandaling panahon ko lang silang nakasama, naging malapit na ako sa kanila. Naging malapit na kami sa kanila.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Isa akong prinsesa? Ako si Princess Ice? Grabe. Gusto kong tanungin si Papa about dito pero hindi ako pwedeng umuwi dun ng ganun ganun na lang. Hindi pa tapos ang misyon ko dito at kung sakaling babalik ako dun, baka hindi na ako makabalik dito.

"Ang saya kahapon, no?!" Pasimula ni Hikaru. Kakakain lang namin pero kung makatalon na ang isang to walang wala lang eh. "Grabe talaga. Yung usapan sa happy ending, di ko kinaya!"

"Ay, sobra! Grabe yung isang kapatid mo Ice ah?" Mukhang nahawahan na rin si Zoe.

"Ang astig talaga!" Hindi lang pala ako ang humanga kay Ruka. Mismong si Kai talaga hindi niya makalimutan yun eh.

"Labas tayo." Buti naman at hindi ako nagulat. Kailangan ko lang talagang malaman ang totoong nararamdaman ko at mawawala ang pagkagulat at pagiging paranoid ko. See? Effective naman.

"Saan tayo pupunta?" Is he asking me out on a date? Hihi. Lantod.

"Ikaw, saan mo gusto?" Is he really asking me out on a date?

"Kahit saan." Okay. I answered the well known 'kahit saan' when going on a date. Wait, is what he talking about is date?

"Tara na nga." Anubayan. Hindi man lang niya ako hinila para hawakan yung kamay ko. Tsk. Nauna na siyang maglakad.

Sumigaw na lang ako na aalis muna ako para alam nilang wala ako. "Enjoy kayo ni Dash ah!" Rinig kong sigaw ni Kai. Huminto ako para tignan siya. Nakangiti siya sakin. One meaningful smile.

"Halika na!" This time, hinila na ako ni Dashiell. Pero sa braso niya ako hawak.

"Alam ba ni Kai?" Hindi naman sa ayokong ipaalam sa kanila. It's just that, nakakahiya. Panigurado tutuksuhin nila kami. Lalo na't we're going on a date. Date nga ba? Pero teka..kung sinigaw ni Kai yun, panigurado narinig din ng iba. "Alam nilang lahat?!"

"Aish. Ang ingay mo." Sabay bitaw sakin at takip ng tenga. Napapout na lang ako.

"Ba't kasi sinabi mo sa kanila?" Nagtatampo kong tanong.

"Hindi ko sinabi. Kahit naman hindi ko sabihin alam na nila."

"Paano nila nalaman?" Still pouting. Ang haba na ng nguso ko.

"Malay ko." Mas lalo pang humaba ang nguso ko. Nakakainis naman siya! Pinapairal na naman niya ang pagiging masungit niya. "Tara na nga!" Hinila niya ako. Hawak niya ako sa wrist. Malapit na eh!

"Saan nga tayo pupunta?!"

"Basta!" Hindi na ako sumagot. Dashiell sungit mode na.

"Dashiell." Ngiting ngiti ako habang naglalakad kami. Magkahawak kami ng kamay eh. Hinintay ko siyang sumagot pero wala akong narinig mula sa kanya kaya tinuloy ko na lang ang sinasabi ko. "Bakit tayo naglalakad? Diba mas mapapabilis tayo sa pupuntahan natin kung lilipad na lang tayo?" Saan nga kaya niya ako dadalhin? Baka candlelit dinner kaya binabagalan niya at hinihintay na maggabi! Pero hindi, assuming mode na naman ako.

Missing RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon