MR 29: Collapsed ◔_◔

4.2K 90 5
                                    

Missing Reality 29: Collapsed ◔_◔

~Eurice, the Coldest Ice~ 

Sa ngayon, okay naman ang lahat. Nagiging close na nila si Maya at Corby. Hindi plastikan. Pati si Pepper kasundo na yung dalawa eh. Pero kami Pepper, hindi pa rin. Ewan ko ba sa bata na yun. Hindi ko alam kung bakit galit siya sakin. But, it takes time.

Parang naging motto ko na yun. Si Maya kasi eh! Nung sinabi niya yun, tamang-tama. Nung pinilit ko sila, lumala pa. Pero nung hindi ko na ipinagpilitan, saka naging okay ang lahat.

"Mukhang malalim iniisip mo ah?" Si Cole pala. "Bakit hindi ka nakikisali sa kanila?" Ang close close na naming lahat. Ang saya lang panuorin.

 "Wala lang. Natutuwa lang akong panuorin sila." At naalala ko na naman si Pepper. Kapatid niya si Cole, kung magtanong kaya ako sa kanya? "Ahm, Cole?"

 "Ano yon?"

 "Bakit ba..galit sakin si Pepper?" Baka naman kasi may hindi magandang nakaraan si Pepper?

 Tumingin siya sakin saka nagsalita. "Gusto niyang maging chosen one. Baka naiinggit lang yun."

 "Pero, kasalanan ko ba?" Umiling siya. "Ayoko kasing ganito na lang kami ni Pepper. One time, okay na kami. Tas wala naman akong ginagawang masama, nagalit na lang siya ulit sakin. Sabi pa niya, para daw may umayaw na lang bigla sa circuit niya." Napabuntong hininga ako. Tinignan ko si Cole at hindi ko maipaliwanag yung reaction niya. Gulat ba yon? Ewan. Hindi ko na lang pinansin. "Gusto kong magkaayos kami ni Pepper, Cole. For real."

 Naalis naman na sa mukha niya yung 'pagkagulat'? "Mahilig maglaro sa Pepper. Sa surprises. Gusto din niya nachachallenge siya. Kaya nga gusto niyang maging chosen one. Challenging daw kasi."

Challenge. Surprises. Games. Hmm?

"Cole, pwede ba tayo pumunta dun sa may ilog? Yung may falls?" May malapit na ilog kasi dito sa hide-out namin. May falls pa. At ang lamig ng tubig. Ang sarap maligo dun.

 "Sige ba. Swimming?" Napangiti ako ng malapad.

 "Thank you, Cole!" Ngumiti siya sakin at ina-announce na sa kanila ang pupuntahan namin. Maaasahan talaga si Cole. Naiintindihan niya ang every situation. Mukhang excited naman ang lahat.

*splash*

"Waaaaaahhhhh! Ang lamig lamig ng tubig!" Wala pa man din ay nanguna na si Cirrus at Kai. "Tara na guys!"

 "Hindi ko tatanggihan yan!"

*splash* 

Suumunod na rin si Zoe. Hanggang sa isa isa na silang naglublob.

"Ice! Ano pang tinatayo tayo mo diyan? Halika na!"

 "Oo! Sandali lang." Masyado silang excited. Haha. Pumunta muna ako sa gilid. Sa mga pagkain. Kumuha ako ng isang pagkain dun ng biglang may bumuhat sakin.

 "Aaaah! D-dashiell, ibaba mo nga ako!" Hindi siya nagsasalita at buhat buhat niya lang ako sa papunta sa pampang.

 "Enjoy." Yun ang sinabi niya at bigla akong hinagis sa ilog.

Missing RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon