MR 26: Answers ✎

4.6K 102 9
                                    

Missing Reality 26: Answers ✎ 

~Eurice, the Coldest Ice~ 

"So, let the story begin?" Saad ni Zoe. Parang atat na ata siyang malaman ang buong kwento. Well, ako din naman. Hindi, lahat kami.

Kagigising lang namin. Okay naman na yung mga natamo naming sugat. Hindi naman ganun kagrabe dahil hindi naman umabot sa marahas ang laban. Pero patay na si Elette at Yoichi.

Hindi naman makakawala si Cole, syempre yun agad ang pambungad namin sa kanya. Gusto naming malaman ang buong kwento. Ang lahat lahat kasi gulong gulo na kami. Lalo na ako.

Nakapabilog kami at lahat kami nakatingin kay Cole at nakikinig. "Where should I start?"

"Paano mo nalamang tao sila?" Tanong ko agad. Oo, gusto kong malaman lahat lahat pero yun ang pinakahighlight sakin. Dahil tao rin sila katulad ko.

Mukhang sumang-ayon naman ang iba sa tanong ko. "Look at your palm." Sinunod ko siya at tinignan ang palad ko. Nagulat ako sa nakita ko. Nakitingin naman yung iba sa palad ko. May tatlong tuldok na brown sa loob ng palad ko.

"Ano to?" Ngayon ko lang nakita to. Ang tagal ko na dito ni hindi ko man lang napansin.

"Yan ang katunayan na tao ka. Meron din silang ganyan." Yung ibang fairy na nakakakita sakin, alam din kaya nilang tao ako? Kaya siguro alam nila Corby na tao ako.

"Malabo." Biglang sabi ni Daphne. "Nalalabuan ako Cole. Anong balak natin ngayon sa kanila?"

"Walang saysay kung papatayin natin sila." Sabi ni Hikaru.

"Ibabalik ba natin sila sa mundo namin?" Parang...ayokong pumayag kung ganun nga.

"Yun ang dapat."

"Pero.." Napatingin sila saking lahat. Naghihintay ng sasabihin ko. Kung tao din sila, siguro naman hindi sila masama. "Gusto ba nila? I mean, alam ko, yun ang dapat. Kasi malaki ang pinsalang dinulot nila dito, pero kung ganon nga ang mangyayari, pati ba ako babalik na din?" Kung okay na ang lahat sa Magic Realm, tapos na rin ang misyon ko. Pababalikin na din ba nila ako?

"Hindi." Sagot ni Cole. "Walang babalik sa mundo ng mga tao."

"Ha? Anong sinasabi mo Cole?" Naguguluhang tanong ni Kai.

"Akala ko ba dapat na silang bumalik sa mundo nila?" Naguguluhan din si Pepper.

"Look at Ice's palm." Sabay sabay kaming tumingin sa palad ko. Umiilaw ito. Hinarap ko sakin ang palad ko at mas lalong lumiwanag ang ilaw nito. Ilaw na nanggagaling dun sa tatlong tuldok sa palad ko.

"Hindi pa tapos ang misyon mo, natin, Ice." Napatingin ako kay Lilly. "Ibig sabihin niyan, hindi pa talaga natin natatalo ang tunay na kalaban."

Missing RealityWhere stories live. Discover now