MR 50: "End is just the beginning."

3.8K 106 19
                                    

Missing Reality 50: "End is just the beginning." 

~Eurice~ 

"Ice!" Mahimbing pa ang tulog. "Iceeeeee, malelate na kayo!"

"Opo! Bababa na!" Pero kahit sinabi ko yun ay hindi pa ako bumangon. Ang sarap matulog eh.

Waaaah! Napabangon ako sa kama ko. Tinignan ko ang paligid. Hindi ako pwedeng magkamali, boses ni Mama yun. Kwarto ko to. Umaga na.

Nakabalik na ako.

"Ice." Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Mama sa kwarto ko. Papagalitan ba niya ako dahil ang tagal kong nawala?

"Ma, sorry." Ako na unang nagsalita dahil alam kong papagalitan na naman ako.

Lumungkot ang mga mata ni Mama at lumapit sakin. Umupo siya sa kama ko. "Bakit ikaw ang humihingi ng tawad? Diba, dapat ako?" Ha? Eh ako yung naglayas ah? "Pasensya ka na sa mga nasabi ko kahapon." Kahapon? Wala naman ako dito kahapon ah? Kababalik ko lang dito. "Pasensya dahil napalayas kita." Kahit naguguluhan ako ay nakinig na lang ako. "Wala lang kasi talaga ako sa mood kahapon. May babae kasing umaaligid sa Papa mo kahapon, kasamahan niya sa trabaho na parang linta kung makakapit sa Papa mo. 'Yang Papa mo naman kasi ang gwapo gwapo kahit may edad na." 

Natawa ako sa sinabi ni Mama. Parang sinasabi niya na may pa asim pa si Papa. Haha. "Kaya niyo po siya nagustuhan diba?" 

At nasilayan ko ang kinikilig na ngiti ni Mama. Si Mama talaga! Feeling teenager. Haha. "Wag mo na ulit gagawin yun ah?" Ang pag-alis ng matagal? "Mahal kita kahit hindi kita tunay na anak."

"Salamat po." Hinug ko si Mama. Ang tagal ko ring hindi natikman ang yakap ng isang ina.

"Ang drama niyong dalawa." Napatigil kami sa pag-e-emote nang nakiusyoso si Ate. "Sali ako." Binuka ni Mama ang kamay niya at niyakap din si Ate.

Pamaya maya ay may sumali na naman. "Ako din." Si Papa talaga parang bata minsan.

Gusto pa sana naming ituloy ang family moment namin kung hindi lang kami malelate.

Gumayak na ako at pagkatapos ay bumaba para sabay sabay kaming kumain. Ihahatid kami ni Papa ngayon sa eskwela. Maya maya pa kasi yung oras ng trabaho niya para bonding na rin namin.

Naguguluhan pa rin ako. Ang tagal kong nawala pero hindi man lang sila nagalit. Si Ate ay parang hindi man lang nalungkot.

"Bye, Pa. Thank you sa paghatid."

Kami na lang dalawa ni Ate. Tatanungin ko na siya. "Ate, nakakamiss sila noh?"

"Oo nga." Nakita ko na. Ang lungkot sa mga mata ni Ate. "Ang tagal na rin simula nung naging buo talaga tayong pamilya." Ha? Hindi yun ang tinutukoy ko.

"Ate, hindi yon." Napatingin sakin si Ate at nagtaka. "Sila Dash, si Lilly at ang iba. Nakakamiss sila." Gulong gulo ang mukha ni Ate. Parang wala siyang idea sa mga sinabi ko.

Missing RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon