Chapter 60

12.8K 384 78
                                    

Last chapter of the story. Read every word carefully. Ready your buckets for your tears, Chocolates!


--

Chapter 60 - Memories


AUBREY MAE CLARK


"Aubrey!", biglang may sumigaw sa aking likuran nang ako ay susugod na sana sa Prinsesa.


Napatingala ako at nagulat sa aking nakita. Sa kinalalayuan, nakita ko ang pagmumukha ni Mama na tumatakbo patungo sa direksyon ko. Biglang ngumiti si Princess sa kanyang nakita at napatiim bagang. 


Hingal ito ng hingal habang may kasama itong lalake sa kanyang likuran.  Mas lalo akong nagulat na parang binuhasan ako ng tubig sa nakita ko. Si Papa.


Kasama ni Mama si Papa.


Paano sila nakarating dito?


"M-Mama?! Papa?!", pagsisigaw ko at ningitian lamang nila ako. Dumagan si Mama papunta sa borg kung saan nando'n sina Bryl. She jumped as high as she can, gripping tightly on her blade and heavily thrust it to the sphere-like borg.


Nang sinaksak na ni Mama ang kanyang espada, agad namang naging pulbo ang sphere na ito na parang black-crystals. Agad namang lumapit si Papa sa akin at hinawakan ang aking braso.


"Aubrey." Sambit nito sa aking pangalan. Natigilan ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Nakita ko na siya nang malapitan. Nakita ko na siya. Nakita ko na ang pagmumukha ng aking ama. "It's glad to see you, again. You've grown well, my daughter"


"P-Papa." Nauutal ako habang nanginginig. Halos hindi ako nakatayo ng maayos. Yung boses niya. Napakapamilyar ng boses niya. Ito yung boses na tumulong sa akin. Ito yung boses na palaging nandito pagkailangan ko ng tulong.


"Diba sabi ko magkikita din tayo? I'm really glad I was able to transplant my rukh to you so I can communicate with you" Malalim at malamig ang boses ni Papa. Halos mapaluha na ako. Masaya ako dahil nakausap ko na siya.


Ngunit naguguluhan pa rin ako, diba binuhay siya ni Sir Andrew at nakipaglaban siya kay Mama? Maybe Mama undo the spell? I think. Pero asan si Principal Clara?


"I know you got a lot of questions, Aubrey yet we will answer you later. And don't worry, Lady Clara is just sleeping due to the Dungeon's awakening", dagdag nito.


"Lady Auburn! Master Mael!", pagsisigaw nila Emy. Agad namang lumingon sina Mama at Papa sa mga kaklase ko at ngumiti sa mga ito.


"Aubrey and Class E. You people should start chanting the spell. Kami ang bahala ni Mael sa Prinsesa", pagsasalita ni Mama sa akin no'ng lumapit ito sa akin at tinapik ang balikat. Napalunok ako.


Sisimulan na namin?


"K-Kaso... wala na si Prinsipe Patrick. Kulang kami, mahal na Prinsesa.", pagsasalita ni Mairym nang nilapitan niya si Patrick at chineck ang pulso nito. Halos nanlumo ang aking kaluluwa habang nakatingin sa bangkay ni Prinsipe Patrick.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now