Chapter 17

16.9K 538 119
                                    

Chapter 17 - Apology


AUBREY MAE CLARK


Ang sakit. Ang sakit ng aking pakiramdam. Parang tinusok-tusok yung puso ko nung narinig ko ang mga salitang iyun. Hindi ko alam pero yun na nga. Ang sakit.


"You can think whatever you like but I'm telling you, I will never ever like that girl. She's clumsy and weak. That's why all of our plans were ruined that night. She always depends on us kaya siya napapahamak. All she did was to put all of us in trouble. Patrick, she's all yours. I don't care. Tss."


Paulit-ulit nalang. Paulit-ulit nalang at yun talaga ang palaging nag-eecho sa aking utak. Argh! Gusto ko ng matulog ulit.


Umalis na silang lahat sa kwarto ko at pati na din si Kuya Khervee. Gusto daw nilang magpahinga muna ako ng tahimik.


Hindi ko talaga alam kung bakit ako nahimatay. Hindi ko alam kung bakit ako naging ganun. Ano kaya ang nangyayari sa akin?


Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko na iintindihan ang mga pangyayari. Pati yung witch na gustong kunin ako, yung mga narinig ko sa gabing operation dakutin ang Witch, yung lalakeng sinabihan akong pakasalan ko daw siya. Idagdag mo pa yung pagiging suspicious ni Camille


Wala na talaga akong naiintindihan. Marami ng katanungan ang nasa aking isipan at hindi na ako makapali kasi naguguluhan na talaga ang kaluluwa ko. Marami akong gustong itanong pero ang problema, sino ang aking tatanungin kung lahat naman sila ay hindi din alam kung sino talaga ako?


Gusto kong umuwi at tanungin si Mama. Alam kong alam niya kung sino talaga ako. Alam kong alam niya ang tungkol sa ama ko.


Sumakit na ang aking ulo sa kakaisip. Idagdag mo pa yung mga masasakit na salita na sinabi ni Bryl sa akin kanina.


Ganun na ba kababa yung tingin niya sa akin? Ganun ba ako kaweak? And he didn't even like me bilang isang kaibigan?


Ako naman si tanga na ang akala ay kaibigan din ang turing niya sa akin pero hindi pala. Ansaket nun bes! Ansaket!


Napabugtong hininga na lamang ako dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa sarili ko. Naguguluhan na ako at parang sasabog na ang aking utak sa dami ng gusto kong malaman.


Nakatulala lamang ako habang nakatingin sa bintana.


"Hays.", I sighed.


"Ya."


"WAAAH!", agad akong napalingon sa aking kiliran ng biglang may nagsalita. Napahawak ako sa dibdib dahil sa sobrang gulat. Kelan pa siya nakapasok dito?


"How are you?", tanong niya sa akin at napahinga ako ng malalim. Nagbabasa lamang siya ng isang libro habang nakaupo sa isang stool na nasa kilid ng kamang inuupuan ko.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now