Chapter 40

13.9K 410 48
                                    

Wag kayong magtataka kung bakit ito napost ulit. I just retyped this a while ago dahil bigla lang itong nagmagic ang wattpad at dinilete ang Chapter 40. Basahin niyo po ito ulit! I just edited some parts at baka magustuhan niyo. And I'm sorry because I didn't kept my promise to upload a new chapter this night. Nagretype kasi ako kaya pasensya na! Happy reading everyone!


***


Chapter 40 -Why?


KHERVEE FERNANDEZ


Napabugtong hininga na lamang ako habang inaalala ko yung nangyari three years ago. Masyado ata akong nadala sa aking damdamin kaya ayun, ang daming nasaktan. Kasalanan ko din ang nangyari kay Aubrey. Pati siya na damay. Kasalanan ko ang lahat.Kung isinumbong ko nalang sana kaagad ang tungkol kay Camille sa mga Elders, hindi sana aabot ng ganito.


I fell in love with a witch. Oo, I fell out of love. Masyado kong iniisp ang nakaraan namin kaya nabulag ako sa sarili kong damdamin na dulot sa pangyayari ngayon. Hindi ko man lang naisip na pwede pala siyang magbago.


Pagkatapos ng araw na yun, yung araw na pinakauna kaming nagkita, tumakas ako sa paaralan upang makipagkita sa kanya. Halos gabi-gabi ko yun ginawa para lang makipagkita sa kanya sa gubat.


Oo , tanga ako dahil pinagkatiwalaan ko siya. Sa una palang ay dapat ko na siayng pinatay pero hindi ko yun magawa. Hindi ko siya pinagkatiwalaan sa una naming pagkita ngunit nahulog pa rin ang loob ko sa kanya.


At isa akong bobo. Alam ko.


Noon, marami kaming plano upang mapatigil ang digmaan ng Mages at Witches ngunit isang gabi ay hindi na siya nagpakita muli. Sa susunod naman na gabi ay hindi pa rin siya nagpakita. At nagulatnaman ako dun. Hindi na siya nagparamdam muli.


Nagkadevelopan kami sa aming palaging pagkikita at nahulog din ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung totoo ba ang nararamdaman niya para sa akin ngunit nagkarelasyon kami sa loob ng apat na buwan at naputol lamang ang laha nung hindi na siya nagpakita.


May natanggap akong isang sulat galing sa kanya at tanging sulat ng papel ay hindi na daw magpakita sa akin muli. Yun lang, walang iba, walang explanation.


Ang akala ko ay iba siya sa mga kalaban namin, ang akala ko ang susi siya sa aming pagbabago pero hindi eh. She betrayed me. She just betrayed us.


Alam kong bobo ako, tanga, o kung ano man dyan! Name it all. But I'm still a victim.


Lage ko siyang iniisp sa loob ng tatlong taon at palagi nagdadasal na sana ay makita ko siya muli, na sana ipagtagpo na kami ng tadhana. Sumasama din ako sa aking ama sa mga missions sa mga dungeon, nagpapasakali na baka makita ko siya dun. Pero sa lahat ng mission na sinama ako ay hindi ko na siya nakita muli.


But that misery ended after three years.


Nagkita kami muli bilang isa siyang transferee sa aming paaralan.


Nagulat ako dun sa una naming pagkita pagkatapos ng tatlong taong paghihirap. Gusto ko siyang yakapin ngunit iniiwasan niya ako. I need damn explanations kung bakit siya nawala, kung bakit bigla nalang siyang hindi nagpaparamdaman sa akin at kung bakit siya nandito sa Leam University na isa siyang witch, diba?! Galit ako sa kanya ngunit hindi pa rin nawawala ang aking mga damdamin para sa kanya. Nakita ko lang ang kanyang mga mata ay nanlambot na ako, talong-talo na ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now