Chapter 50

13.6K 409 49
                                    

Chapter 50 - Dungeon of Doom


AUBREY MAE CLARK


Ang bilis, ang bilis ng tibok ng puso ko. Kanina pa ako nakatulala dito habang hinahawakan ko ang dibdib ko. Hindi ako makapagsalita. Feeling ko ang init ng mukha ko.


"Haaaaaaleeeer? Aubrey? Andyan ka pa ba?!", sigaw ni Emy sa aking mukha at gulat naman akong napatingin sa kanya. "Kanina ka pa nakatulala, ah? Ano bang iniisip mo?"


Napahinga ako ng malalim at mas hinigpitan ang pagclose ng aking isipan. Jusko! Paano nalang kung malaman nila yung iniisip ko? Patay ako neto eh!


Umiling ako bahagya at tumingin sa may bintana. Hindi ako sumagot. Ang tahimik ko lang. Sumasakay kami ng isang carriage papunta sa Leam Empire. Gusto kasing makipag-usap ang hari sa amin kaya ito ang nangyari.


Daldal sila ng daldal habang ako naman ay tahimik lang. Hindi mawala sa aking isipan ang nangyari kanina. Gusto kong tumakbo at sumigaw. Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko, yung tipong parang lilipad na ang heart ko palabas sa aking katawan. Nakakainis!


"Bat ba ang tahimik niyo Bryl at Aubrey?", biglang tanong ni Dranreb na nasa tabi ko. Napatingin naman ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Nakangisi naman ang gago na parang may nangunguhulugan sa mga ngiti nito.


"Oo nga. Kanina pa kayo tahimik. May nangyari ba?", singit naman ni Mai and now everyone is looking at me. Pati sina Sir Roi, Sir Arman at Ma'am Michi. Nakakahiya!


Umiwas ako ng tingin. "A-Ahh. Wala po", sagot ko sa tanong niya.


"Normal lang naman na tahimik si Bryl eh but Aubrey being silent? It's not normal", nakangising pagsasalita naman ni Miles na nasa harapan ko. Napabugtong hininga ako.


"Wala nga. I-I'm just tired.", I rolled my eyes. They are over reacting! Damn it!


"So may nangyari nga.", pagsasalita naman ni Emy at tumingin kay Bryl na nasa gilid ni Miles. "Huy Bryl! Magsalita ka nga! Ikaw pa yung may pasigaw-sigaw at iyak-iyak epek nung nakidnap si Aubrey, wala ka bang ginawang masama sa kanya ano?!"


Sigaw? At iyak?! What the?! Umiyak si Bryl?!


Tumingin si Bryl sa kanya at sinamaan ng tingin. Emy rolled her eyes at tumingin naman sa akin na mukhang concern. "Hindi ka ba niya sinaktan? Ano ba ang ginawa niya sayo at mukha ka ng tanga dyan palaging nakatulala?", sabi ni Emy sa akin.


"Wa---"



"Emy, just leave her alone.", biglang singit ni Bryl. Napatingin ako sa kanya at parang sumabog na ang mukha ko nung nakatingin naman siya sa akin habang ngumingiti. "I already did what I want to do so just leave her alone."


Napatingin naman ang lahat sa kanya at tumingin sa akin at tumingin pabalik sa kanya. "Anoooo?! Ano ang ginawa mo kay Aubrey, Bryllll?!", sigaw naman ni Mai.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now