Chapter 9

17.3K 560 73
                                    

I want to dedicate this chapter to @maggiedajero HAHAHAHA. Natawa talaga ako sa Watch me WHIP watch me nae nae mo. HAHAHAHA. Keep supporting people~ Ate Ay labs youuu~

***


"Magic is a combination of will and knowledge" 


Chapter 9 – Forbidden spell


AUBREY MAE CLARK


"ENKAVMA!"


Bigla akong sumigaw. As in, bigla lang akong sumigaw at napapikit ako sa aking mga mata. Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla ko lang naisigaw yung words na yun. And it was damn weird.


Dahan-dahan kong ibinuka yung mga mata ko at laking gulat ko ay biglang naging buhangin yung halimaw na sumusugod sa akin kanina. Nanlaki yung mga mata ko sa gulat.


"Paano yun nangyari?", gulat kong tanong at napalingon ako kay Bryl at gulat na gulat din yung reaksyon niyang nakatingin sa akin na parang nakakita ng multo. Napatingin din ako sa mga halimaw na kinakalaban niya kanina, nagging buhangin din ang mga ito.


"H-How did you did that?", hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Bryl sa akin kaya napakibitbalikat na lang din ako. Hindi ko rin alam.


Narinig ko din ang pagpanic ng mga kasamahan ko at rinig na rinig ko din ang mga sinasabi nila.


"Anong nangyari? Bakit biglang naging buhangin yung mga djinns?", rinig kong pagsasalita ni Mai sa kanyang isipan.


"Teka, who did that?", rinig ko din ang sigaw ni Dranreb sa kanyang isipan. "Hindi namin matutuloy yung pustahan naming ni Miles nito!", dagdag niya.


Lumapit naman ako kay Bryl at tinititigan lamang niya ako na parang nagtatanong kung paano ko yun nagawa. I mean, hindi ko alam kung bakit ko yun naisigaw eh. Kusang lumabas lang ang mga salitang iyun sa bibig ko.


"Chill guys, baka ginawa yun ni Ma'am Michi.", sabi naman ni Miles.


"Ma'am Michi? Can you hear us?", sabi naman ni Emy na halata ding gulat sa nangyari.


"Who activated that forbidden spell?!", nagulat kaming lahat sa pagbiglang pagalit na sigaw ni Ma'am Michi sa aking isipan. "Who did that spell?! Tell me!", dagdag niya at halatang nagagalit talaga siya. "All of you, pumunta kayo dito sa kinatatayuan ko! I need to know who did that! I will give you 10 seconds to be here. And ang malate, may punishment!", sigaw ni Ma'am Michi.


Forbidden spell? Forbidden spell yung sinabi ko? Baka hindi ako yun! Wala nga akong alam sa spells eh. Forbidden spells pa kaya?


"Patay! 10 seconds! Huy Miles, teleport na!", rinig kong sigaw ni Dranreb kay Miles sa kanyang isipan.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now