Chapter 55

12.1K 348 20
                                    

Chapter 55 - Reunion


AUBREY MAE CLARK


"Principal Clara?!"


Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Hindi ako makapaniwala. Nakangiti na nakatingin si Principal Clara sa akin habang hawak-hawak niya yung staff niya. 


"Hi, Miss Clark. Are you okay?", pagsasalita niya sa akin at naiwan pa rin akong nakatulala. 


Lumapit si Principal Clara sa akin at pinatayo ako. Nakatitig pa rin ako sa kanya. Salamat talaga at dumating siya, akala ko na katapusan ko na.


"H-How did you come here?", pagtatanong ko sa kanya at pinat niya 'yung ulo ko.


"It looks like you already got my books, ayt?", tanong niya at napatingin siya kay Andrew at kay Papa. Napatingin din ako sa direksyon ni Andrew at napakunot naman ang noo niyang nakatingin sa amin.


"C-Clara!", pagsisigaw ni Andrew at bigla siyang tumalon palapit sa amin. Agad namang dumepensa si Principal Clara gamit 'yung staff niya. "Bakit ka nandito?!", galit na asal ni Andrew.


Principal Clara grinned and walked towards him. "Aren't you happy to see your ex-lover once again, Andrew?", imbis na sumagot ito sa tanong ng lalake ngunit iba ang lumabas sa kanyang bibig.


Napasinghap ako. E-Ex-lover?!


Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Principal Clara. Hindi ako makapaniwala. Ex-lovers silang dalawa?! May past silang dalawa?!


What the hell?!


"I-I thought you died.", nauutal na pagsasalita ni Andrew at napangiwi naman si Principal Clara. Gulat na gulat talaga ang mukha ni Andrew dahil sa nakita niya, na 'tila parang naguguluhan din siya na nakita niya si Principal Clara.


"You didn't killed me with your spell, Andrew. I survived because you didn't hit me. You weren't able to kill me.", seryosong pagsasalita ni Principal Clara. 


Napalunok si Andrew at mas hinigpitan niya ang kanyang kapit sa kanyang staff. Itinutok niya ito sa sa principal habang nakakunot ang noo. 


"Aubrey, help Auburn in healing your friends. Ako na ang bahala sa lalakeng ito.", pawhisper na sabi ni Principal Clara sa akin at nagulat naman ako sa sinabi niya.


Auburn?


Umuna na si Principal Clara at nakipaglaban na laban kay Andrew. Napalingon naman ako sa direksyon ng mga kaibigan ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.


Nakahoodie siya at isa-isa niyang ginamot ang mga kaibigan ko. Napalunok ako at ang bilis ng pintig ng puso ko habang nakatitig ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na pupunta siya dito. And now, here she is, standing in front of me.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now