Chapter 39

14.2K 391 45
                                    

Chapter 39 - Uncurable

KHERVEE FERNANDEZ

"Are you alright?"


Fifteen years old ako nung nakilala ko siya. I met her in a cold bloody night during an attack in one of the villages of Leam Empire.


Mahina siyang tumingin sa akin at 'tila parang nangangailangan niya ng tulong. Napakapit ako sa kanyang mga balikat at tumango sa kanya. "Wag kang mag-alala, maging okay din ang lahat", sabi ko sa kanya at bigla lang siyang nawalan ng malay.


Napatingin ako sa paligid, hinahanap ang aking mga kasamahan ngunit hindi ko sila nakita. Kinakabahan ako dahil sa nangyari. Agad kong inilagay yung babaeng may mala anghel na mukha sa aking likuran. Hindi ko mapigilang matatarantar.


Napatingin ako sa likuran ko at nanlaki ang aking mga mata sa nakita ko. Sht. Napakaraming mga witches ang sumugod at halos ang lahat ng mga bahay dito ay nasusunog. Agad akong nagcast ng spell upang maging invisible. Huminga ako ng malalim at simula ng tumakbo habang ramdam na ramdam ko ang babaeng sumasakay sa aking likuran.


Napabugtong hininga akong tumakbo patungo sa gubat habang kinakabahan. Hindi ako makakalma.


Habang naglalakbay ako sa gubat ay may nakita akong bahay. Agad namang dumapo ang reliefness sa aking katawan nung nakita ko ito.


May tao ba dito?


Agad naman akong kumatok dun. "Tao po! Tao po! May tao ba dito?!", pagsisigaw ko ngunit walang isang tinig akong narinig mula sa loob ng bahay. Napakamot nalang naman ako.  


Nung hinawakan ko yung door knob ay bigla lang bumukas ang pintuan. Laking gulat ko ay bukas pala ito. Hindi naman ako nagdadalawang isip na pumasok dun.


Pagbukas ko sa pinto ay nakita kong walang tao ang bahay ag mukhang kakaalis lang ng tao dito dahil may apoy pa yung fireplace. Napakibit balikat lang naman ako at inilapag ko ang babaeng duguan sa sahig na may mat. Napabugtong hininga naman akong tumingin sa kanya.


Bakit nga pala ko siya tinulungan? Eh hindi ko naman talaga siya kilala.


Mahimbing lamang siyang natutulog habang kitang-kita ko ang mataas niyang mga eyelashes, yung matangos at maliit na ilong at yung malapula-pula niyang mga labi.


Damn, Khervee. Stop checking her out.


It might be weird but I still saved her. Agad naman akong umiling at pumunta sa may mga cabinet upang hanapin ang medicine kit. May sugat ako at sugatan din ang babaeng yun, kailangan kong bigyan ng first aid ang mga sugat namin.


Nung nakita ko na ang medicine kit, agad ko itong kinuha at bumalik ako sa sala. Inuna ko yung sarili ko sa pag gamot at pumunta naman ako agad dun sa babaeng iyun at sinumulan ko na siyang gamutin.

Leam University : School for Mages | REVISINGDär berättelser lever. Upptäck nu