Chapter 27

16.3K 484 48
                                    

Chapter 27 - Kill or be killed


AUBREY MAE CLARK


Yung feeling na kanina lang dapat ka tapos sa ginagawa mo and you have to do it again because someone just stubble it and broke what you did.


Naiinis na talaga ako. Damn it!


Nandito ako ngayon sa room namin habang gumagawa ako ng mga decorations para sa booth namin. Naiinis talaga ako dahil yung ginawa ko at naputol lahat at back to zero na naman yung trabaho ko.


Si Dranreb kasi eh. Nakakainis!


Two days nalang at magsisimula na ang LU Magic Festival at excited na excited na talaga ako. At kung nagtataka kayo kung bakit nawala si Prince Patrick, aba, umalis lang siya ng hindi nag paalam. Leche yung prinsipeng iyun, bumalik siya sa palasyo at hindi pa naman niya kami sinabihan.


Nakakainis talaga ng batang iyun.


And about that death Threat or yung Class A's message to us, wala pa rin kaming nakitang weird at hindi naman kami nasaktan. Hopefully, sana prank lang yun. Sana nga.


Nagpeprepare ako ng isang mahabang string na may beads at back to zero ang trabaho dahil sa lalakeng hindi nag iingat na si Dranreb. Dahil sa pagkalikot niya at naputol ang string at ang lahat ng beads ay natanggal sa string na kinakabitan nito.


"Nakakainis! Nakakainis!", sigaw ko habang nilalagyan ko yung bagong string ng beads.


"Kalma lang, Aubrey.", pagsasalita naman ni Mai at napatingin ako sa kanya habang nakasimangot. Kahit kelan itong si Mai ay napakakalma at hindi madali mainis.


Opposite na opposite talaga sa element niya.


"Si Dranreb kasi eh! Kung hindi lang sana siya tumatakbo dito sa loob ng classroom ay hindi sana ito mangyayari!", pagrereklamo ko at napatawa naman si Mai sa aking pagmuni-muni. Napabugtong hininga naman ako habang pinagpatuloyvko yung ginagawa ko.


"Nga pala, Aubrey. Kamusta na kayo ni Bryl?", biglang tanong ni Mai at napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Anong pinagsasabi? Ngumiti naman siya sa akin ng masama habang nakatingin sa akin.


"Anong ibig mong sabihin?", pagtatanong ko sa kanya at tila naguguluhan ako sa tanong niya.


"I mean, you two are dating. Right?", halos nabulunan ako sa kanyang sinabi at napatawa naman ako. Naguguluhan naman siya sa aking pagtawa at napatapik naman ako sa balikat niya.


"What the heck, Mai? Ano bang pinagsasabi mo? Ako at si Bryl? Dating? Anong klaseng joke yan?", natatawa kong pagsasalita at muling nagpatuloy sa aking ginagawa.


Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito? Hahaha. The heck. Anong dating? Eh, hindi naman kami magkasundo ng lalakeng iyun eh. Pinapatawa niya ba ako?

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now