Chapter 5

24.7K 726 188
                                    

This chapter is dedicated to @sheedlrcz dahil natuwa ako sa mga answers niya dun sa mga questions sa may prologue. HAHAHA. Keep reading! Ate Ai labs youuu~


***

Chapter 5 - Mind Reading



AUBREY MAE CLARK


Umupo naman si Camille sa tabi ko habang nakangiti sa akin. Ningitian ko naman siya kahit parang nalulungkot yung mga mata niya. Basta, nararamdaman ko yun, nararamadaman ko na nalulungkot siya.


"Hello Aubrey. Hindi ko akalaing maging kaklase kita.", sabi niya sabay ngiti sa akin kaya tumango na ako sa kanya.


"Ako nga eh.", sabi sabay ngiti din sa kanya. Ano kaya ang meron sa babaeng ito?


"You know her?", napalingon naman ako agad nung nagsalita si Bryl sa aking utak. What the heck? Akala ko ba di mo ko kakausapin. Tss,


"I just want to ask. She's suspicious.", sabi niya pa sa utak ko. Pati yun nababasa niya? Tss. Edi siya na ang may kakahayang mag mind reading. "You can read our minds too if you want to.", dagdag niya habang hindi nagbago yung expression niya habang nakatitig sa akin.


Heh! Hindi ko nga alam paano eh.


"Tss. I know Emy and Mai will teach you how to read minds. Hey, answer my question. Do you know her?", muling tanong niya sa akin kaya napangiwi nalang ako.


Malamang kilala ko! Kakausapin ko ba siya kung di ko siya kilala? Common sense Kuya!


Graah. Nanggigil na ako ah. Kung pwede ko lang siyang sipain tss.


"You can't kick me, you're weak.", sabi niya at umiwas agad siya ng tingin kaya napahampak ko yung kamay ko sa lamesa. Nanggigil na talaga ako sa sinabi niya.


Sinamaan ko nalang siya ng tingin.


"Huy Aubrey, ano yang tinitingnan mo?", tanong ni Mai sa akin at napatingin sa taong sinamaan ko nang tingin at muling tumingin sa akin habang winiwiggle yung mga kilay niya wearing a suspicious smile. "Ayy, nakatingin daw siya kay Bryl. Ayiiee~", tukso niya sa akin kaya napangiwi nalang ako.


"Bwuset yung lalakeng yun. Tss.", pagrereklamo ko at muling tumingin sa nagdidiscuss na si Ma'am Michi.


"Becareful of that woman. She's suspicious.", narinig ko ang pagmuling pananalita ni Bryl sa aking isipan ngunit hindi ko siya pinansin. 


Natapos na din ang first day ko sa paaralang ito and it was very exhausting. Grabe, nakakapagod. Ngayon palang ako nakaramdam ng pagod sa pag-aaral. Parang napupuno na yung utak ko sa lahat ng mga nileksyon ng mga teachers dito. Ang dami kong nalamang tungkol sa mundo ng mga mages.

Leam University : School for Mages | REVISINGTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang