Chapter 24

16.5K 508 55
                                    

Chapter 24 - A Threat


AUBREY MAE CLARK


Napabugtong hininga na lamang ako. Kanina lang silang lahat na nakatitig sa akin na parang kakainin na nila ako. Tila parang tiningnan nila kung ano ang mangyayari sa akin and it is damn weird.


Kumakain kami dito sa mahabang lamesa ni Manang Noriko at napalagay ko yung bowl ko sa lamesa at tiningnan sila ng masama.


"Ano bang tinititigan niyo ah?!", pagalit na naguguluhan kong pagsasalita ngunit hindi sila sumagot at nagpatuloy lamang sa pagkakain. Mas lalo akong nainis sa mga ginagawa nila.

"Can you tell me what the heck is going on? Is there something wrong with my face? May muta ba? Ano?", sunod-sunod kong tanong at napatingin si Mai sa akin na parang nahihiya siya habang dahan-dahan niyang initaas ang kanyang kanang kamay.

"E-Eh kasi Aubrey, tingnan mo sa likuran mo. M-May ano kasi eh", pagsasalita niya at inituro niya yung nasa likuran ko.

Napakibit balikat naman ako at nabigla ako ng bigla akong sinalubong ng isang hindi ko alam kung anong klaseng nilalang.

"Peri periiii~", maliit na boses na pananalita nito na nakalutang sa hangin. Nanlaki yung mga mata ko nung bigla niyang niyakap yung mukha ko.

"W-WAAAAH! ANO 'TO?! HUHUHU TULUNGAN NIYO AKO! NATATAKOT AKO!", sigaw ko at napatawa silang lahat sa mga sinabi ko. Nakasimangot naman ako at pilit kong tinanggal ito sa mukha ko. "L-Let gooooo!", malakas kong sigaw at bigla niyang binitawan yung mukha ko.

Kulay skyblue yung kulay ng balat niya. Mukha siyang teddy bear at ang fluffy ng kanyang mukha. Ang nakakaiba ay ang kapal ng kilay nito. Nabigla nalamang ako nung naging kulay pula ang balat nito habang nakatingin sa akin.

"Peri peri peri peri periiiii!", sigaw nito at sinuntok niya yung ulo gamit yung maliliit niyang mga kamao kaya napatawa ako.

Sa mga sinasabi niya, sinabi niya na wag daw akong maging masungit sa kanya. Ang cute niyaaa~

"Sorry na. Sorry na. Nabigla lang ako eh", pagpapaumanhin ko sa kanya at bumalik yung kulay ng balat niya into kulay asul at bigla itong umupo sa ulo ko.

Napatingin naman ako sa mga kasamahan ko na parang nahulog ang panga nila na nakatingin sa akin.

"A-Ang cute niyang guardiaaaan!", sigaw ni Emy habang inilagay niya yung dalawa niyang palad sa pisngi niya. Napangiti naman ako.

Guardian?

"Peri peri~", pagsasalita ng nilalang na iyun habang winawagayway niya yung kamay niya.

"At pwedeng magtanong? What is this? Ngayon pa lang ako nakakita ng ganyang itsura na nilalang.", pagsasalita ko habang pinagpapatuloy ko yung pagkakain.

"Isa yang guardian, iha. Hindi ko alam kung sinummon mo ito ngunit sadyang lumapit lang ito sa iyo. Only elders can summon guardians like that", pagsasalita ni Manang Noriko at tumango naman ako.

"I've seen that guardian before. He used to be a cat.", pagsasalita naman ni Ma'am Michi at napatingin naman ako sa guardian na ito.

Isa itong pusa noon? Bakit naging ganito yung itsura niya?

"Peri. Transform yourself into a cat.", nabigla ako nung nagsalita sa Bryl. Peri? Peri ang pangalan niya. Bigla namang tumalon yung nilalang na iyun at lumutang sa hangin at naging kulay puti itong pusa na may royal blue na isa niyang mata habang ang isa naman ay kulay green.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now