Chapter 2

35K 945 456
                                    

Chapter 2 - Leam University


AUBREY MAE CLARK


Hindi pa rin ako makakapaniwala sa nangyari kanina. Nalaman ni Principal Clara na may kakayahan akong makapause ng time sa saglit na panahon. And my ability is called sixth sense. Akala ko talaga na nag-iisa lang akong tao na may nakakaibang kakayahan. 


Leam University?


Never heard it before. Anong klaseng university ang Leam University? Pangalan pa nga ng paaralan, nakakapagtataka at misteryoso na. Haist. Looks like my life is getting weirder and weirder.


Agad naman akong dumeretso sa bahay namin at sinalubong naman ako ni Mama na naglalaba. Napatingin siya sa akin at tumayo at pumunta sa akin. 


"May tumawag sa akin kanina. Na expelled ka raw sabi ng Principal? Bakit?", nag-alalang tanong ni Mama sa akin kaya napabugtong hininga na lamang ako habang inilagay ko yung bag ko sa may upuan namin.


"Ma,na expelled po ako kasi ipapatransfer daw ako sa Leam University", explain ko at nakita ko ang gulat na expression ni Mama. 


"Leam University?", tumango naman ako at nakita ko ang paghinga ng maluwag ni Mama. "Akala ko na expelled ka kasi sa mga kalokohan mo.", dagdag niya at napatawa naman ako. 


"Narinig mo na ba yang Leam University na yan?", tanong ko sa kanya at agad naman siyang umiling. Ibinigay ko naman sa kanya yung papel na ibinigay ni Principal Clara sa akin.


"Yan po yung mga requirements ko sa paaralang yun.", dagdag ko at kinuha naman yun ni Mama at binasa. 


Leam University

Student's Requirements


3 Pads of Magic Paper

3 everlasting pens (Blue, Red, Black)

Leam University I.D Holder


Note: You can buy these materials at Leam Store, Ground Floor, SM Mall. Please give these paper to the saleslady to approve you are a student of Leam University.



Hindi ko naiintindihan ang nandyan. Meron palang Magic Paper? At yang Everlasting pens? Or pangalan lang yan ng producto? At meron palang Leam Store sa SM Mall?


"Kelan ba ang punta mo sa Leam University?", tanong ni Mama sa akin pagkatapos niyang binasa ang requirements. Napablink naman ako sa eyes ko.


"Bukas po", sagot ko at kinuha pabalik yung papel na ibinigay ko ni Mama. "Pero hindi ko po alam kung asan po yun matagpuan.", naguguluhan kong sabi kay Mama.


Hindi man lang sinabi ng Principal kung asan yang Leam University na yan. Hindi ko alam kung asan yun matatagpuan. Muli akong tumingin kay Mama at napangiti siya.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now