Chapter 13

18K 579 146
                                    

Chapter 13 - Forbidden Staff


AUBREY MAE CLARK


"Because you don't know what's the feeling of being a failure"


Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko na alam ang aking gagawin sapagkat ako pa rin ay naguguluhan sa mga narinig ko. Magkilala sila? Paano? Kailan? At bakit?


Ang dami ng katanungan ang nasa aking isipan at batid ko ang malaman ang katotohanan.


Dahan-dahan akong sumilip sa kanila at kita ko sa kanilang mga mata na seryoso na seryoso talaga ang kanilang pinag-uusapan. Nakaupo pa rin si Camille sa kanyang higaan habang si Kuya Khervee naman ay may malaseryosong mukha na nakatayong nakatingin sa kanyang kausap.


"What do you mean of being a failure?", malakas na pagtatanong ni Kuya Khervee.


"Y-You will never understand, Khervee", umiwas ng tingin si Camille.


"Sana hindi nalang kita tinulungan noon. Sana pinatay nalang kita, wala na sana akong problema", nagigiit na pagsasalita ni Kuya Khervee at nagulat ako sa kanyang sinabi.


Anong ibig sabihin ng mga sinasabi nila? Ako'y naguguluhan na at parang sasabog na ang aking isipan sa kakalito.


"Edi patayin mo na ako ngayon. Ano pa ba yung hinihintay mo? Pwede mo namang sabihin sa mga Elders kung sino talaga ako eh. Is this what you want, right? Handa na akong magpapahuli sayo.", nagagalit na tono na pananalita ni Camille at nakita ko ang pagkunot ng noo ni Kuya Khervee.


"I will but I can't do that. You know I can't do that, Rielle."


Nakatitig si Kuya Khervee kay Camille at dahan-dahang lumapit sa kanyang kausap. Nakita ko ang pagniningning ng mga kamay ni Camille tila parang kinakabahan siya sa pagbiglang paglapit ni Kuya Khervee sa kanya.


"W-What do you mean?", naguguluhan na parang kinakabahan na tanong ni Camille ngunit hindi sumagot si Kuya Khervee at nagpatuloy lamang sa paglapit sa kanya. Umupo ang binata sa kama habang nakatitig pa rin sa magandang mukha ni Camille.


Ako ay parang naguguluhan at kinakabahan sa aking nakita. First time kong may makita ng ganito. Hindi nga ako nagkakamali. Magkakilala talaga sila.


"Do you think I already forgot what you did to me? Do you think I am already okay after that scar that you left me? Don't be dumb, Rielle. Fresh na fresh pa rin ang sugat na binaon mo sa akin noon", sabi ni Kuya Khervee habang seryoso pa rin ang mukha niya. Kita na kita ko talaga ang bakas na pagkakatarantar ni Camille dahil sa sinabi niya.


Anong ibig sabihin ni Kuya Khervee? What the heck are they talking about?


"W-What the heck are you saying Khervee--"


"Shut up and just tell me already!"

Leam University : School for Mages | REVISINGजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें