Chapter 6

25.9K 659 170
                                    

This chapter is dedicated to a friend of mine, @CharlesXx44 dahil palagi niya akong kinukulit na idedicate ko daw 'tong chapter na 'to. HAHA. Keep reading minna-san~


***

Chapter 6 - Dungeons


AUBREY MAE CLARK


Nakita ko yung pagmumutla ng mukha ni Camille nung nagkatitigan sila ni Kuya Khervee. Hindi pa rin ako makapali, masama yung kutob ko dito. Mukhang magkakilala talaga sila.


Nabigla na lamang ako nung ngumiti si Camille at lumakad patungo kay Kuya Khervee at nakipagkamayan. Gulat naman si Kuya Khervee sa ginawa ni Camille. "Nice to meet you, Khervee", sabi niya sabay ngiti.


Ngumiti naman si Kuya Khervee, fakely at mukhang gulat pa rin. "A-Ahh. Nice to meet you din, Camille."


Napansin ko yung nakakaibang mga tingin nila sa isa't isa. Mukhang magkakilala nga sila. Tumingin naman ako sa kina Mai kung napansin ba nila yung awkward na atmosphere nila Camille at Kuya Khervee ngunit parang wala silang napansin.


"Kuya Khervee, kamusta naman yung lakad niyo sa mga dungeons? May nahuli ba kayong Witches? Malakas po ba?", pagtatanong ni Emy at agad naman akong napatingin kay Kuya Khervee. Gusto kong malaman kung ano ang meron ng mga dungeons at mga witches na yan.


Curious na curious na talaga ako.


"Ahihi.", napakamot naman si Kuya Khervee sa kanyang ulo. "Bukas ko nalang ikukwento. Inaantok na kasi ako eh.", sabi niya kaya napabagsak yung balikat. Tss. Gusto ko sanang marinig yung kwento niya. "Nga pala, libre ko kayo bukas as celebration na meron tayong bagong members sa ating class.", nakangiti namang dagdag niya at napasigaw naman silang lahat except kina Camille at Bryl.


"YEY! AT LAST! Namiss ko na ang mga libre mo Kuya!", sigaw naman ni Dranreb habang winiwiggle niya yung eyebrows niya. Napatawa naman si Kuya Khervee dahil sa pagbiglang pagkembot ni Dranreb na mukhang pato.


"HOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOY!", agad namang kaming tumingin sa pagbiglang pagsigaw ng isang babae. "KAYONG MGA BATA HA, ALAS OTSO NA AT NANDITO PA KAYO SA LABAS NG DORM! KAKATAYIN KO TALAGA KAYO!", sigaw niya sabay takbo patungo sa amin na may dalang walis.


"Shemay si Manang Loriza!", nakita ko ang pagmumutla ng mukha ni Dranreb.


"Emy! Bakit hindi mo napansin si Manang napapunta dito?! Patay tayo dito eh!", sigaw naman ni Miles kay Emy kaya dinalaan naman ni Emy si Miles.


"At ako lang ba ang pwedeng mapansin si Manang huh? Eh anong gamit ng sixth sense mo?", pagtataray ni Emy kay Miles kaya parang magkarambola nanaman sila.


"KAYOOOOOOOONG MGAAAAA TAGAAAA CLAAAAAAASSSSSS EEEEEEEE!", sigaw pa ni Manang Loriza kaya napalingon naman ulit kaming lahat sa kanya.


"Eeeeeeeeeeeeeek!", sigaw ni Mairym sa takot kaya napatakbo kaming lahat patungo sa dorm building namin. Nagkahiwalay-hiwalay naman kami sa kakatakbo.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now