Chapter 8

19.9K 592 77
                                    

Chapter 8 - Deserted City


AUBREY MAE CLARK

Habang lumulutang pa rin kami ni Bryl sa loob ng sphere na ito. Hindi pa rin mawala sa isip ko kung ano 'tong yellowish na sphere na 'to. "Huy Bryl, ano 'tong sphere na 'to. Ganina lang ako nacucurious eh. Sagutin mo na kasi ang tanong ko.", nakasimangot kong tanong ngunit hindi man lang siya umimik.


Ayaw niya atang makipag-usapan. Such a boring guy. Tss.


"Borg. This sphere is a borg. This is made of magoi and it is a protective barrier and with combination of the white rukh, we can float through it. This is a combination of Life element and air element. Life element is the most basic element and it is not considered as one of the main elements since all living things had this element.", pag-eexplain niya sa utak ko kaya napatango ako.


"Pati yung mga Nengins?", tanong ko din gamit ng utak ko. Akala niya siya lang marunong tss.


"When I say all living things, pati na yung mga Nengins. Tss"


"Oo na. Oo na."


"And only mages can control the Life Element."


At napatahimik naman kaming dalawa. Argh, conscious na conscious na talaga ako sa maiinit niyang mga kamay na nakahawak sa wrist ko. Ang weird sa feeling. Tss.


Napatingin ako sa ibaba at may nakita akong umaagos na tubig dun sa baba. Kaya pala nakalutang kami dahil baka matunaw yung katawan namin dun sa tubig. Brr, creepy as hell.


Asan kaya namin makikita sina Ma'am Michi? Huhu, gusto ko nang umuwi.


Habang paikot-ikot kami sa kwebang ito ay bigla na kaming huminto. Napatingin naman ako sa itaas nung tumingin si Bryl dun. "Anong meron dun?", tanong ko sa kanya at bigla lang naging dark brown yung mga mata niya.


 "Pnévmata tis Gis, sou parangéllo. Anoíxte aftí ti gi kai as doúme!", pagchachant niya at biglang bumukas yung sa itaas ng kuweba at umagos agad yung tubig. "I knew it!", dagdag niya at lumipad kami patungo sa may umaagos na tubig.


"T-Teka lang Bryl. Hindi ba tayo mapapahamak?", natatakot kong tanong at bigla lang nagsmirk si Bryl habang tumitingin pa rin sa itaas.


"Are you underestimating my magoi?", sabi niya at dumagan na kami patungo sa may tubig. Namangha naman ako kasi walang nangyari sa amin. Mas lalong nagglow yung borg habang lumilipad pataas ng pataas yung sinasakyan namin.


Habang andito kami sa tubig ay nagulat naman ako kasi may maraming malalaking mga isda ang lumagpas sa amin. "A-Ano yun?", kinakabahan kong tanong kay Bryl.


"Psara Terata", sagot ni Bryl sa aking tanong habang tinititigan ko yung mga isdang iyun. Bakit hindi sila napapaso sa tubig? Diba ang sabi ni Bryl na matutunaw ang katawan ng isang living thing pagnasa tubig ng dungeon? "They are water-type monsters that can survive in waters because of their strong and anti-acid scales. Witches are also intelligent to create monsters like this.", dagdag naman ni Bryl.

Leam University : School for Mages | REVISINGDove le storie prendono vita. Scoprilo ora