Chapter 32

15.7K 454 75
                                    

This is a filler chapter but I hope you will enjoy it. Hindi ako masyadong marunong sa paggawa ng romance na scenes o yung nakakakilig but I hope na magustuhan niyo pa rin ito. Happy reading everyone! 


***

Chapter 32 - Slow


MAIRYM GYAN SMITH


Napalunok ako sa sobrang kaba na aking nararamdaman. Jusko! Mahihimatay na ata ako.


Ako nga pala si Mairym Gyan Smith and this is my first time na maka POV. Medyo mahinhin at mahiyain po ako pero pag magalit ako ay daig ko pa ang demonyo.


Chos.


Ganina pa ako nagiginaw sa di ko alam na dahilan at kasama ko ngayon si Dranreb papunta dun sa may ramen sub-booth ng Class C. Kinakabahan ako. Yung tipong parang sasabog na yung puso ko sa bilis ay lakas na tibok nito.


Huhu.


By pair kaming mamasyal sa LU para maenjoy daw namin ang festival ayun ni Kuya Khervee. By shifts kami at si Dranreb yung kapartner ko. Hindi ako makapali.


Bakit?


Kayo kaya, ano kaya mararamdaman mo pag kasama mo ang matagal mo ng crush, diba? And yes, crush ko po si Dranreb pero hindi po iyun halata. At parang sasabog na talaga ako. Tulungan niyo po ako.


"Huy Mai, okay ka lang? Ayaw mo ba ng ramen?", biglang tanong ni Dranreb na nasa sa aking kiliran. Napalingon naman ako sa kanya at napalunok agad.


"O-Okay lang ako. A-At gusto ko naman ng ramen. T-Tara?", nauutal na kinakabahan kong pagsagit sa kanyang tanong. Ngumiti naman siya sa akin at inakbayan ako.


Oh my gosh! Baka mamatay na ako nito.


"Tara.", nakangiti niyang pagsasalita habang nakaakbay pa rin sa akin at nagsimula na kaming naglakad patungo sa booth na iyun at hindi ako makakalma. Ewan lang. Yun nga.


Napa paranoid na ata ako eh.


Ramdam na ramdam ko yung paghinga niya malapit sa shoulder ko at amoy na amoy ko yung panlalaki niyang perfume.


"Mai.", pagsasalita niya at napalingon ako sa kanya na nakataas ang dalawa kong kilay. "Natatakot ka ba sa akin?", tanong niya at namilog yung mga mata ko sa sinabi niya.


"H-Hindi noh.", sagot ko sa kanya. Nabigla talaga ako sa tanong niya. Bat niya yun naitanong? Mukha ba akong natatakot sa kanya?


"Talaga? I mean, everyone says I'm a maniac. Manyakis daw ako sabi nila kaya natatakot naman yung ibang babae na baka gahasain ko daw sila. Haha.", natatawa niyang pagsasalita.


"A-Alam ko namang hindi mo yun magagawa sa akin, diba?", pagsasalita ko naman kaya napatingin siya sa akin ng seryoso. Agad naman akong namula nung inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko, yung tipong ang lapit na mukha ko sa mukha niya at parang isang tulak nalang ay mahahalikan ko na siya.

Leam University : School for Mages | REVISINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon