Chapter 45

14.3K 431 95
                                    

Chapter 45 - A Foe


AUBREY MAE CLARK


Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang nangyari kanina. Yung sinabi ni Master Leo sa akin ay  hindi makapaniwala-paniwala ngunit kailangan kong tanggapin ang katotoohanan. Isa akong witch at isang mage. Maghalo ang dugong dumadaloy sa katawan ko. 


Gusto kong makita si Mama. Madami akong gustong itanong sa kanya. Marami din akong gustong itanong kay Sir Roi, Ma'am Michi at iba pa. Gusto ko silang tanungin ngunit wala pa akong oras.


Ang daming katanungan ang nasa isipan ko. Ang daming katanungan tungkol sa aking pagkatao ang palaging nasa utak ko. Sino ba ako? Sino ba talaga ang mga magulang ko?


"Maraming salamat po, Master Leo, Klarizza.", pagsasalita ni Sir Roi nung nakalabas na kami sa bahay ni Master Leo. Nagbow din kami sa kanila bilang pasasalamat at napatingin ako kay Klarizza na kanina lang nakatitig kay Sir Roi yung tila parang may gusto siyang sabihin habang hawak-hawak niya ang pusa na parang si Peri.


"Mag-ingat kayo, Brein. May nasense akong malakas na nilalang.", pagsasalita ni Master Leo.


"Po?! Mga djinn po ba?!", sigaw naman ni Dranreb.


"Hindi. I already let all the djinns fell asleep ngunit may nakakaibang nilalang akong na sense sa gubat. Malabo pero andito siya.", sabi ni Master Leo at napatango naman kami. "Tsaka, Aubrey.", dagdag niya at tumingin siya sa akin. "You must be careful. Don't let any witches touch you.", sabi niya sa akin at tumango naman ako.


"Yes po."


"Leam Empire will protect you at any cost. Hindi ka pwedeng makuha ng mga taga Kuro Tribe.", dagdag na paalala niya sa akin. Napalunok ako ng di oras. Mas lalong magkakaguluhan ang mundo dahil sa akin ngunit hindi ko maiintindihan. Bakit ako kukunin ng mga taga Kuro Tribe?


"Pero Master Leo, bakit po?", tanong ko sa kanya dahil hindi ko na talaga mapigilan ang pagkacurious ko.


Napabugtong hininga siya. Napatingin ako sa mga kaklase ko na kanina lang nagpalitan ng tingin sa amin ni Master Leo. "Your mother is Auburn Solomon, the sister of King Patricio Solomon at isa kang royalty ng Leam Empire.", kalmado niyang pagsasalita at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.


Auburn?!


"ANO?!", sabay napagsigaw ng mga kaklase ko except kay Bryl. Nahulog ang panga ko sa sinabi niya. I don't know! Bakit ako anak ng isang babaeng royalty!?


"Anak si Aubrey ng isang royalty?!", sigaw ni Miles.


"What the?! Si Princess Auburn pa!", sigaw naman ni Dranreb.


"I thought Princess Auburn already passed away?", tanong naman ni Mai at kinagulat ko ito.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now