Chapter 30

15.2K 481 72
                                    

This chapter is dedicated to a pretty and sexy friend of mine, mikyeopta Halooo Mik! Ipagpapatuloy mo yang pagiging Aubrey mo sa mga panaginip mo. HAHA Chos. Happy reading everyone!


***


Chapter 30 - Needle


AUBREY MAE CLARK


Kinakabahan ako at hindi ko maikalma yung sarili ko. Hindi pa rin ako makapali kasi ako ang pinili nilang contestant para sa Martial Arts Contest at maraming manunuod dun. Kinakabahan talaga ako. Huhu.


"Huy kalma ka nga dyan, Aubrey.", walang kabang pagsasalita ni Dranreb na nasa kiliran ko. Napatingin naman ako sa kanya habang nakasimangot.


"Hindi ako makakalma eh. Huhu. Kinakabahan ako.", pagsasalita ko at napangisi naman si Dranreb sa akin ng nakakaloko.


"Wag ka ngang ganyan, Breng.", sabi niya sa akin sabay akbay sa akin. "Kung kinakabahan ka, hinding hindi ka talagang mananalo dyan.", dagdag niya sa akin at napabugtong hininga naman ako.


"Pfft. Bat ba ang kalma mo? Hindi ka ba kakabahan?", pagtatanong ko sa kanya at tumingin siya sa akin.


"Hindi. Ang dameng chicks eh.", dagdag niya at muling tumingin sa paligid habang inilibot niya yung tingin niya sa mga tao. "Oh! May nakita akong kpop star!", muling dagdag niya at biglang umiling. "Ay. Maganda nga, flat chested naman. Di ko yun type."


-.-


Ano bang meron ng lalakeng ito? Tss.


"Napakamanyak mo, alam mo yun?", pagsasalita ko sa kanya at napatawa naman siya sa sinabi ko. Halos nawala na yung mga mata niya sa pagtawa.


"Kahit manyak ako, isang tao lang ang nagmamay-ari ng puso ko ano.", pagtatanggol niya sa sarili niya at napataas naman yung kilay ko sa sinabi niya.


"Eh? Sino?", gulat kong tanong sa kanya. Hindi ko akalaing may minamahal pala yung lalakeng ito. Akala ko talaga na bakla to eh. Akala ko nakagusto to kay Bryl.


Si Mai, paano siya?


"Secret. Hindi ko sasabihin sayo. Bleeh.", sabi niya at binelatan ako tsaka siya tumawa ng malakas.


"Go Class E!", napalingon kaming dalawa ni Dranreb dun sa may sumigaw at nakita namin sina Emy, Mai, Miles, Bryl, Camille at Kuya Khervee na may dalang banner na may nakalagay na Go Class E!


Napangiti naman ako sa kanila at nagthumbs up. Kaya namin 'to! Aja!


"Our last match for this competition in the Male category is Class E's Dranreb Alvarez and Class A's Aljun Cortwar. Kung sino ang mananalo sa labanang ito ay syang magiging panalo sa kumpetisyong ito.", pagsasalita ng Commentor na at napatingin naman ako kay Dranreb.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now