Chapter 28

15.6K 493 54
                                    

Chapter 28 – Playing Dirty


AUBREY MAE CLARK


As what we all predicted, everyone is acting suspicious. Hindi kami ginalaw ng ibang estudyante at hindi nila kami inaway. And it is very strange.


Kasama ko ngayon si Emy at Mairym at patungo kami sa Cooking Room para manghiram ng gamit sa pagluluto. And I hope na pahihiramin kami ng mga taga Class A na nagbabantay dun. Sana nga. Sana.


"Uhmm, excuse me!", sigaw ni Emy nung nakaabot na kami dun sa Cooking Room at agad namang bumugad yung mga mukha ng mga taga Class A na nagbabantay sa room na yun.


Tumingin naman silang lahat sa amin na nakataas ang dalawang kilay. Ngumiti naman kaming tatlo sa kanila at tuluyang pumasok sa room na yun.


"What can we do for you, people from Class E?", tanong nung isa na nakangiti sa amin. Ngumiti naman sina Emy at Mai sa kanila.


"Tss. Plastic", rinig ko ang pagsasalita ni Emy sa kanyang isipan at napafacepalm na lamang ako.


Huhu. Wag kayong mag-ayaw dito. Please lang.


"Ummm. Pwede po ba kaming manghiram ng mga gamit sa pagbebake at sa paggawa ng coffee? Para po ito sa booth namin", singit naman ni Mai at tumango naman yung dalawang babae na taga Class A habang nanlalaki yung mga mata nila.


"Sure. Halika kayo.", sabi ng isa na may pulang buhok. "Ako nga pala si Maris at itong kasama ko ay si Rhea.", dagdag niya at napatango naman kaming tatlo.


"Ahh. Ako nga pala si---"


"Mairym, right?", singit naman ni Rhea at agad namang tumango si Mai sa sinabi niya. "You two are Emy and Aubrey. Wag kayong mag-alala. Kilala na namin kayo.", dagdag niya habang nakatingin sa amin.


So ibig sabihin, kilala niya kami? Woooh.


"Diyan sa may cabinet, nandun ang mga baking equipment and tools. At sa paggawa ng coffee ay dun sa isang dulo.", sabi naman ni Maris at tumango naman kami.


Agad namang pumunta si Mai dun sa may cabinet at pumunta naman kami ni Emy kung asana ng coffee maker.


"Hey, mag-ingat tayo. Baka kung ano ang plano nilang gawin sa atin", sabi ni Emy sa aming isipan. Hindi kami nagresponse ni Mai upang hindi kami masuspektahan.


Ramdam na ramdam namin ang mga masamang tingin ng mga taga Class A na parang nandidiri sila sa amin. Kahit nakatalikod kami ay ramdam na ramdam pa rin namin yung mga titig nila.


Psh.


Nakuha na namin ni Emy yung coffee maker at nakuha na din ni Mai yung mga gamit sa pagluluto ng cake. Inilagay namin iyun sa isang karton na dala namin kanina at muli kaming tumingin kina Maris at Rhea.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now