Chapter 51

13.6K 390 79
                                    

I dedicate this chapter for a friend of mine that has a golden voice. Aweee~ Hi Ate Pinkel!


-

Chapter 51 - Help me


AUBREY MAE CLARK


"What?!", malakas na sigaw ng Hari na nagpaatras sa amin. Kita ko ang bakas na pagkagalit ng mukha niya habang kumukunot ang noo nito. "Bakit nakidnap si Patrick?! Bat niyo hinayaan?!", sigaw nito at napaatras yung lalakeng messenger sa sigaw nito.


Tumayo si Ella sa kanyang kinaluluhudan at lumapit sa Hari, hinawakan nito ang kanyang balikat. "Mahal na Hari, kalma ka po, yung puso niyo", sabi nito.


Pihit na kinalma ng Hari ang kanyang sarili at huminga siya ng malalim. Alam kong nag-alala siya sa kanyang anak. "Bakit nakidnap ang anak ko?", ngayon ay kalma na niyang tanong.


"Tumakas po ang Mahal na Prinsipe sa kanyang kwarto at sinundan po namin siya patungo sa gubat at bigla nalang pong dumating ang mga kalaban. Agad nilang dinukot ang Prinsipe at nagbukas sila ng dimensyon at hindi namin po sila masundan. Paumanhin po, Mahal na Hari.", kinakabahan na pagsasalita ng lalake.


Huminga na naman ang Hari ng malalim bago ito nagsalita. "Nakakainis talaga yung anak ko. Sabi ko sa kanya ay hindi siya umalis sa kanyang kwarto eh."


"Tsaka po Mahal na Hari, may naiwan pong sulat dun sa lugar na huling andun ang Prinsipe.", dagdag ng lalake at lumapit siya sa Hari at inilahad yung papel.


Napatitig ang Hari sa papel na yun at kinuha habang nakakunot noo. "If you want to get your son back, we will be waiting in the center of the Pacific Ocean. Bring Hara with you", pagbasa ng Hari at napabugtong hininga.


Agad akong dinapuan ng kaba dahil sa aking narinig. Napatingin ako sa aking mga kasamahan at minimaintain pa rin nila ang seryoso nilang mukha at aura.


"I think they want to start the war now Your Highness", sabi naman ni Ella at napatingin ang Hari sa kanya at tumango.


"Oo, mukha nga.", sagot ng Hari. Muli itong tumingin sa lalake. "Heneral Carlos, handa na ba ang iyong mga mandirigma?", tanong nito.


"Opo, Mahal na Hari.", sagot ng lalake. "Ngunit ang mga barko at submarines ay hindi pa tapos sa paghahanda.", dagdag nito.


"Sige. Dagdagan mo ang iyong mga tauhan. Sabihin mo kay Elder Eunel na ipasuspended ang klase, kailangan natin ang mga kamay ng mga estudyante. Tapusin niyo ito ngayong gabi, susulong tayo bukas ng madaling araw.", pagsasalita ng Hari.


"Masusunod po", tumayo na ang lalake at muling yumuko bago ito lumabas sa room.


Susulong? So ibig sabihin ay magwar na? Eh?! Pati ang mga estudyante ay madamay?


"Mahal na Hari, pwede po bang magtanong?", biglang singit ni Mairym at napatingin ang Kamahalan sa kanya. Tumango ito. "A-Ano po ang gagawin nila kay Prinsipe Patrick?", kinakabahan niyang pagtatanong.

Leam University : School for Mages | REVISINGOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz