CQ-37

20.7K 679 114
                                    


Hindi ako maka get-over sa boses ni Shawn Mendez sa There's nothing holding me back. Naiimagine ko siyang itali sa kama. Wuahaha!

No one can hold me back, Bebe Shawn!

His Queen 37

----------------------------

Tinatambol na naman ang dibdib ko habang papasok kami sa University. Hindi ko na nga napigilang humawak sa seatbelt ko. Ng tumigil na ang sasakyan ni Zayn ay napahinga ako ng malalim.

"You can do it."

Nilingon ko siya kinakabahang nginitian. I took a deep breath again bago ako bumaba ng sasakyan niya, matapos kong alisin ang seatbelt ko.

"Give me a ring, when you need help." Nilingon ko ulit siya at tinanguan. Nagsimula na akong maglakad ng mapansin kong kakaiba ang titig sa akin ng mga estudyante sa paligid. Nakarating na siguro sa kanila ang nangyari sa amin ni Cali. Pilit kong inignora ang mga tingin nila at pinanatiling matigas ang ekspresyon ko.

Lumiko ako sa hallway ng mapansin ko naman ang kumpulan sa harap ng Bulettin Board.

"Pres!" Agad akong nakita ni Danna at tumakbo palapit sa akin. "Halika, Pres! Dalian mo, may malakas ang loob at sawa na sa buhay ang gustong sentensiyahan mo." Hinatak niya ako palapit sa board.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga larawan kong nakadikit doon. Iyong hinalikan ako ni Zayn, iyong niyakap ako ni Break, na akala mo ay hinalikan din ako dahil sa yumuko siya non at natakpan niya ang mukha ko. Hindi lang iyon, pati iyong nakaraang araw lang na kausap ako ni Xin. Pati ba naman iyon?!

"Tara na, ayokong mahawaan ng Virus." Someone said. Hinanap ko ang mga nagmamalinis na talipandas. "How cheap diba? Pati Professor pinatulan niya, kaya siguro mataas ang tingin sa sarili. Mga bigtime ang nilalandi eh."

Aba't! Pinigilan agad ako ni Danna sa braso.

"Nasa loob din pala ang kati, hindi makuntento kay Cali, kaya nagpapakamot din sa iba."

At naputol na talaga ang pisi ng pasensiya ko! Hinawi ko si Danna at agad na sinugod ang babae. "Anong sabi mo!? Ha?!"

"A--Aray! Aray!" Malakas kong hinigit ang buhok niya at agad siyang hinatak palapit sa akin, patihaya siyang bumagsak sa sahig. Nanginginig ang kalamnan ko sa galit! "Totoo naman ah! Malandi kadin! Pres. Azula! Hindi ba nga at nakipaghalikan ka sa iba kahit kayo pa ni Cali!?"

Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Lahat ng pasensiya ko ay tinangay ng hangin, kasama ng kamay ni Danna na hinawi ko. Sinugod ko ulit ang punyetang babae, at inupuan sa tiyan.

"Malandi ako?! Pwes ipapakita ko sa iyo kung gaano ako kalandi! Babasagin ko yang mukha mo!" Binigyan ko ng malakas na sampal. Dumugo ang bibig. "Wala kang alam! Kaya wag kang manghusga agad!" Hinatak ko ang buhok at inuntog sa sahig. Rinig ko ang sigaw na ni Danna at ang pagpigil niya sa braso ko. Hinawi ko ng malakas, napaupo sa sahig. "Malandi ako ah! Malandi ako!" Sinampal ko ulit. Humagulgol siya ng iyak. Sinampal ko ulit. Walang nagtangkang lumapit, may sumigaw ng tumawag kami ng Teacher. O kahit na sinong aawat. Hinatak ko ulit ang buhok at inuntog sa sahig.

"Shit! Pres! Tama na!" Narinig ko na ang sigaw ni Keiki. At kasunod ang pwersahan niyang paghatak sa akin paalis sa tiyan ng babae.

"Wag kayong magsasalita! Kung wala kayong alam! Kung hindi paduduguin ko iyang mga punyetang bunganga niyo!" Hindi ko mapigilang panginigan ng kalamnan sa sobrang galit.

Ilang sandali pa ay nagdatingan na ang mga Teachers, lahat sila hindi makapaniwalang ako ang nagsimula ng gulo. Pero wala akong pakialam! They deserved it!

Cali's Queen (Completed) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon