CQ-49

31.9K 788 64
                                    

His Queen 49

-------------------------------

Malakas ang buhos ng ulan habang nakatingin ako sa glass wall ng suite. Wala na akong nabalitaan tungkol sa lalaking bigla nalang sumugod dito, claiming that he owe me an explanation. It's not that I'm worried for him.

Hindi ko lang talaga mapigilang hindi siya maisip. Kahit pilitin ko siyang alisin sa isip ko ay bumabalik padin ang imahe niya. Sino ba siya?

Kusang lumapat ang palad ko sa aking dibdib. He looks so familiar, but the hurt and the unexplainable sudden palpitation in my chest, is not. It's so new to me.

"Ate...?"

Napapitlag ako sa gulat at nilingon si Mei, pinaningkitan ko agad siya ng mata. Ayoko talaga ng basta nalang may napasok dito sa kwarto namin ni Korin.

"Kumatok ako, Ate. Eh, di ka nasagot kaya pumasok na ako." Saka ko pa napansin ang tray ng pagkain na bitbit niya. "Oh, Ate. Kain kana. Hindi ka pa nag aalmusal tapos lampas tanghalian na ngayon."

Napabuga ako ng hangin at umalis sa pagkakasandig sa bintana. "Pero hindi talaga ako nagugutom, Mei." Tumitig ako sa pagkaing dala niya. Hindi talaga ako nakakaramdam ng gutom. "Ikaw nalang muna ang kumain, kakain ako mamaya kapag nagutom ako."

Ngumuso sa akin si Mei, at tumingin din sa pagkain. Bago ngumisi sa akin. "Kain niyo na po ito Mahal na Reyna. Mabubusog na ako, makita lang kita kumakain." Exaggerated na yumukod pa sya habang hawak ang plato ng pagkain.

Napailing ako at tipid na napangiti sa kalokohan niya ng bigla na namang tumining ang pandinig ko. Nakikita kong bumubukas ang bibig ni Mei. She was talking...

O" Iminuwestra ko ang dalawang pie sa mismong harap ng mukha niya. Nagtatakang nilingon naman niya ako, bago napailing at natawa.

"Eat it, Queen. Mabubusog na ako, makita lang kita kumakain." Tinulak niya sa akin pabalik iyong pie.

"Ate! Ate! Wag mo akong takutin ng ganyan! Ate!"

"Hindi ako mabubusog kung gutom ka naman. So wag ka ng maarte, at kunin mo na iyan. Baka mairita ako, ihagis ko iyang solo order mo sa bintana." Kumagat ako sa pagkain ko at inilagay ang pie sa kanyang kamay. At sa wakas din tinanggap na niya.

"Ate naman! Huuuy! Ateee!"

"What the hell! Cali ano ba!?" Pilit akong lumayo sa kanya habang para siyang tarsier na biglang yumakap sa akin. Bumaling ako sa kanya at akmang itutulak ang pagmumukha niya palayo sa mukha ko, ng nakawan niya ako ng halik.

"Ate!" Something hit my face. Hard and strong. Bumalik ang diwa ko at napatitig kay Mei. Ilang beses akong kumurap-kurap. "Okay ka naba Ate?"

Para akong robot na tumango.

What was that? Ngayon naaalala ko na kung saan ko nakita ang lalaking iyon. Sa mga pasulpot-sulpot na imahe sa isip ko. Madalas akong magkaganoon, but luckily hindi na umuulit pa ang mga imahe sa isip ko. Isang beses lang iyong susulpot.

And I called him, Cali. So he's name is Cali.

"Mei."

"Ate?" Tumabi siya sa akin.

"Can we go to the jail?" Gulat siyang napatingin sa akin. Kahit ako man, gusto ko lang malaman kung sino siya sa buhay ko at bakit siya bahagi ng nga pasulpot-sulpot na mga imaheng iyon.

-------------------------------

CALI ENRIQUE

Hindi kita kilala...

Cali's Queen (Completed) EDITINGWhere stories live. Discover now