CQ-19

27.5K 676 41
                                    




His Queen 19


Kung pwede lang talagang tawagan, murahin at awayin si Cali, ginawa ko na dahil sa sakit ng ibaba ko. Muntik na akong mapasigaw sa sakit kanina ng magbanyo ako. Punyeta, kung alam ko lang na ganon. Edi sana, hindi na lang ako bumigay. Halos pigil ko ang sarili sa pag-ika kahit pa masakit talaga.

Sa lahat ng matalino, ikaw ang bobo. Napakabobo mo Quinn Azula Stratford!

Kailan pa lang naging kayo, tapoos sinuko mo na agad ang bataan kay Hidalgo? Kung may isang katauhan pa siguro ako na pwedeng kumastigo sa akin, baka paulit ulit na akong nakatikim ng mura. Maagang umalis kanina si Cali upang umuwi na sa kanila. At umuwi siya ng hindi ako ginigising. Nag-iwan lang siya ng note sa kama, sa mismong hinigaan nya.
Salubong angg aking kilay dahil sa nararamdaman pa ring kirot habang naglalakad patungo sa Council room, ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko.

Fr: My Handsome Boyfriend

I'll fetch you later, sabay tayo mag lunch. Wag mo ko indianin, gugutomin ko sarili ko. Bahala ka.

Tumaas ang kilay ko sa nabasa. Ngunit mas tumaas iyon ng mapansin ko iyong pangalan niya.

Handsome Boyfriend.

Ang alam ko, Hidalgo lang ang pangalan niya sa phonebook ko ah? Bakit nabago?

Napitik ako sa ere ng may sumaging ideya sa isip ko. Siraulong Cali! Mukhang pinakealaman pa ang cellphone ko. Nagtaka pa ako dahil kay aga-aga may bisita kami. At tatlo pa talaga sila. Ngunit ang mas nakapagtataka, si Keiki na nakasimangot. Habang iyong isa sa mga estudyanteng Babaeng naroon ay nakangisi.

"Anong meron?'' dumiretso ako sa mesa ko at naupo.

"Nag ramble sila, Pres." si Danna ang sumagot sa tanong ko. Habang si Keiki ay naglakad patungo sa likurang bahagi ko at sumandal doon sa pader.

"Siya po ang nauna Pres!" sabay turo nung dalawa sa babaeng nakangis ''Bigla nalang niya po kaming hinatak sa buhok, at sinubsob sa toilet bowl." halos mapaiyak na ito. Nalaglag ang aking panga sa sinabi nung dalawa, She said 'kami'...

"Bakit mo naman ginawa iyon, sa kanila?''

Prente siyang sumandal sa upuan at nagcross legs pa. "Sige nga ikaw Pres. Makita mo si Kuya Cali na pinatutulungang hubaran ng Shirt, anong gagawin mo?''

"H--Ha?'' nablanko ako sa tanong niya ah...Gagawin ko...Edi kakalbuhin ko yung mga higad na malalandi. Kung hindi lang ako natuwa sa sinabi niya, baka nasungalngal ko na itong batang ito dahil ibinalik lang niya iyong tanong sa akin.

"I told you hindi nila ako hinuhubaran! They accidentally bumped me, kaya natapon iyong soda sa shirt ko!" Biglang sigaw ni Keiki. Lahat kami ay napalingon sa kanya.

"Wow? Saan ba natapon iyong soda, sa katawan mo? Kaya hanggang dibdib iyong pagkakataas ng shirt mo?" nang-uuyam pang sabi na naman ng babae.

Narinig ko ang paghagikgik ni Danna. Kaya naman napailing na lamang ako.

"Whatever." I flipped my hair at sinuot na ang eye glasses ko. "You three, will go to the detention room." Nagpoprotestang umungol iyong dalawa, habang iyong isa ay nagkibit balikat lamang. "Ihatid mo sila Kei."

"Ako? Bakit ako?"

Umangat ang sulok ng aking labi. "Hindi, baka ako."

Gumuhit ang ngiting tagumpay doon sa labi ng babae at nauna pa siyang tumayo.

"Danna, sabihan mo sila Mirae at Athrun na mag rounds tayo mamaya. "

"Yes, Pres." Kasama ang iba ay lumabas na sila ng room.

Cali's Queen (Completed) EDITINGWhere stories live. Discover now