CQ-4

39.5K 830 38
                                    


His Queen 4

------------------

"Kailangan ba talaga tong mga crepe paper na ito?"

Sinulyapan ko si Cali at hindi inimik. Nagpatuloy ako sa paggupit ng mga crepe papers na gagamitin naming pang decorate sa SC Room. Ito ang magsisilbing Face Painting Booth.

"Ang sakit na ng kamay ko!" Litanya na naman niya.

"Edi lumayas kana dito." Sino ba kasing nagsabi na tulungan niya ako dito? Bakit hindi siya doon sa Kissing Booth nila diba?

"Lalayas ako tapos ang tutulong sa iyo dito yung Matandang si Anderson? Asa! Baka ipalupot ko itong mga papel na ito sa kanyang hayup siya."

Hindi ko mapigilang mapangisi sa pagkakanguso niya. Kanina kasi si Zayn ang katulong ko dito. At ng makita ng malanding si Hidalgo, agad na tumabi sa akin at inagaw ang gunting ko. Buti na ngalang hindi silang dalawa nagsaksakan ng gunting eh. Ewan ko ba dito kay Hidalgo, at mainit ang dugo kay Tanda. Parehas naman silang mga gago.

''Huwag mo akong titigan Quinn, at baka mahalikan kita ng hindi oras." Seryosong sabi niya.

Nag-init ang aking pisngi sa brusko niyang pananalita. Hindi na ako nagtataka kung maraming babae ang baliw sa Hidalgo na ito. Hindi maipagkakailang, nuknukan nga talaga ng gwapo ang lalaking ito. Sa mala-anghel palang niyang mukha, idagdag mo pa ang pagiging bolero. Tss--- "Hidalgo!"

Nabitawan ko ang gunting ng bigla siyang dumukwang at inilapit ang mukha sa akin. Damn! Nagkabuhol-buhol ang hininga at sistema ko. "A--Ano.. Ba?!" Singhal ko sa kanya.

"I told you quit staring."

Nilunok ko ang bara ng aking lalamunan. Hindi maganda ito, lagi nalang akong natatameme sa hinayupak na ito. ''O--Okay Fine! Layo na!"

"Paano kung ayoko?" Lalo siyang lumapit at ako naman ay lalong napaatras. Napasalampak na ako sa sahig habang nakatukod ang dalawang kamay sa sahig. "Sabi ko hahalikan kita, pag di ka tumigil sa paninitig di ba?" He leaned on me much more.

"Te--Teka! Sabi ko layo! Isa, sasaksakin kita ng gunting dyan! Move away from me Hidalgo!" God! Bakit ba ganito ang lalaking ito? Hindi niya ba alam na nakakadistract siya? Lalo nayang pagmumukha niya!? At yung nakakairitang ngiti niya?

''Basta ba pag sinaksak mo ako ng gunting, Pres. Direkta dito." He snatched one of my hand and placed it on his right chest. "Para alam mong sa iyo lang titigil at muling titibok yang nasa loob niyan."

Bumilog ang aking bibig. Wala akong maapuhap na salita. Siya lang ang may kaya talagang blankohin ang isip ko. Dapat magalit ako eh! Dapat singhalan ko siya! Dapat barahin ko siya! Pero leche naman! Literal na natatanga ako sa kanya.

''Ehem..."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng malingunan ko si Keiki na nakatayo sa aming likuran. Idagdag mo pa sina Danna at ang iba pa na pumasok na sa loob habang bakas ang pinipigil na ngiti sa labi.

Shit it Azula! Kahiya-hiya ang hitsura niyong dalawa. Ibinalik ko ang tingin kay Cali na nakatunghay padin sa akin.

"Baka gusto mo ng lumayo sa akin, Hidalgo?" Umangat ang sulok ng kanyang labi. Mukhang walang balak na sumunod sa akin ang siraulo! "Isa! Cali Enrique!"

"Surrender na Mahal na Reyna." Itinaas niya ang dalawang kamay na animo sumusuko. "Surrender na nga oh, diba?"

Inis akong tumayo at hinarap sina Keiki. "What?!" Kinagat nila ang ibabang labi upang pigilan ang ngisi nila. Buisit! Buisit talaga si Hidalgo! "Speak! Mr. Vice President." I hissed him.

Cali's Queen (Completed) EDITINGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora