CQ-10

30.2K 824 37
                                    

CQ TEN

Maaga akong nagising kinabukasan. Inihanda ko ang mga gamit na pangpasok at agad na nagbihis. I need to be an early bird, not because I'm going to catch a worm. Naeexcite kasi ako kung may sasalubong sa aking reklamo dahil sa ginawa ko doon sa dalawang tangahanga ni Hidalgo.

Oh, Cali.

Napangisi ako. Nakakabaliw ang hitsura niya kahapon, para niyang wawasakin yung trash can. Mukha siyang tanga na mukhang pinagmumura pa ang pobreng lata ng basura habang sinisipa niya. Isinukbit ko ang aking bag sa aking balikat at lumabas na ng kwarto ko. Nasa hagdan pa lamang ako ay rinig ko na ang boses ni Mama na mukhang masayang masaya. Matutuwa narin sana ako kung nakakatuwa ang dahilan ng kasiyahan niya. Eh hindi naman. Kaya wag na lang din.

''Azula, anak. Halika sabayin mo kaming kumain ng Daddy mo."

Lumipad ang tingin ko sa matandang lalaking nasa tabi niya at abala sa pagtingin sa aking achievement wall. He really has guts to stay here as if nothing happens. Akala mo nakaiwan siya ng isang buto ng puno at ngayong malaki at malago na ay pwede niya ng balikan anytime niyang magustuhan.

"Sa labas nalang ako kakain, Ma. Ililibre daw ako ni Tanda."

''Azula..." nagwawarning ang boses na ani Mama. But the old man stopped her from saying anything. Hindi ko na lamang sila pinansin at lumabas ng bahay. Nagsalubong ang aking kilay ng mapansing wala pa ang kotse ni Tanda roon. Nasaan naman kaya iyon?

Sinara ko ang gate at naglakad patungo sa direksiyon ng bahay ni Zayn. Baka kasi na-late lang siya. Agad akong gumilid kahit pa madakdak na ako sa pader ng path walk wag lang akong mahagip ng kotseng mukhang balak gawing daan narin ang Nilalakaran ko. Ngunit nanlaki ang aking mga mata ng masigurong tutumbukin ako ng kotse mismo. Anak ng—Huminto iyon sa mismong harap ko. Pabalagbag at animo walang pakialam na bumaba ang driver nito, na akala mo siya ang may-ari ng daan.

"Sakay." Nagtatagis ang ngiping ani Cali sa akin.

Automatikong umakyat ang inisi sa ulo ko. Kapal naman ng mukh—Well, hindi na kailangan pang sabihin. Obvious naman. "Sasabay ako kay Zayn kaya lumayas ka sa harap ko. Pangit na nga ng araw ko, pinapangit mo pang lalo. Buisit!" Lumihis ako ng daan, ngunit agad siyang humarang. "Ano ba?!'' nakakapikon na 'to ah!

"Sakay, Azula. O gusto mong ma eskandalo rito at sapilitan kitang isasakay sa kotse ko? " Iritadong aniya.

Ay wow? Lalaki na pala ang mang-eeskandalo ngayon? Pinagkrus ko ang aking mga braso at pinagtaasan siya ng kilay. Ihambalos ko kaya sa kanya itong mga libro na itong hinayupak siya. "Mahina ba talaga ang utak mo at hindi mo makuha ang ibig kong sabihin na ayaw ko?''

"Don't test my patience, Quinn.'' bumuga siya ng hangin at nilakihan ang bukas ng pinto.

''No, don't test my patience, Hidalgo." Mamatay ka sa inis. Maubusan ka sana ng hangin punyeta ka.

"I hate repeating what I said, Quinn Azula." Dumilim ang mukha niya at nagtiim bagang. "SAKAY.''

Ngumisi ako sa kanya at inayos ang aking eyeglasses. "F.U. Hidalgo. Pero kahit bumula ang bibig mo dyan, at kahit atakihin ka dyan. Hindi mo akong mapapasakay sa makasalanang kots—Cali!'' Nang mabilis na umangat ang paa ko sa semento at bago po ako nakahuma ay pinto na ng kotse niya at muntik ng humampas sa aking mukha. Hindi pa man din ako nakakapagsalita ay pinaandar na niya ang kotse.

"Ihinto mo ang kotse! Hidalgo, isa!" Dinukwang ko siya mula sa backseat, ngunit agad akong napaatras ng panlisikan niya ako ng mata.

Agad akong napalunok ng laway ng Makita ang madilim niyang pagmumukha. Iyong makapal niyang kilay ay halos magdidikit na. I never felt to threatened before. Ngayon lang, at sa isang ungas pa! Humalukipkip ako sa backseat at nabubuisit na tumingin sa labas.

Cali's Queen (Completed) EDITINGWhere stories live. Discover now