CQ- 25

27.9K 545 12
                                    




His Queen 25



Our Singapore Vacation went well. We bought some souvenirs, and kumain. Then gala, pictures, and kain ulit. Ewan ko ba, bakit palaging gutom iyong si Hidalgo. Gusto pa nga sana niyang magtagal doon, lalo na doon sa Hotel, manyak kasi talaga. Siyempre ako, isang mapagbigay na girlfriend. Sa kanya lang naman ako mapagbigay, wag kayong ano dyan. Nagmamaktol pa siya ng tuluyan na kaming sumakay ng eroplano pabalik ng Pilipinas. Napaka arte.

"Tigilan mo iyang kakanguso mo Hidalgo. Baka tapyasin ko iyang labi mo." Lalo siyang ngumuso habang parang batang hatak hatak ang maleta niya.

"Kasi naman! Pwede namang mag extend ng one day pa! Bakit ayaw pa kasi." Nagngising aso ako sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay. "Naman kasi!" Hindi na ako nagsalita pa at nauna ng naglakad patungo sa exit. Ilang segundo lang at sumunod na nga rin siya sa akin. At umakbay. Hindi rin talaga makatiis.

"Sinong susundo sa atin?" Napansin kong iginala-gala niya ang tingin ng makalabas na kami sa NAIA ng tuluyan.

"Trek." He looked at his wristwatch and then on his phone. "Sabi niya andito na daw siya."

"Si Trek?" Ginaya ko siya at hinanap narin ang malibog niyang kaibigan, nandito na? O baka naman nandito na nga, kaso naisipang magsegway na maghasik ng lagim sa kung saan-saan nalang dito? At hindi nga ako nagkamali! Kung ako napaikot ang eyeballs, si Hidalgo. Laglag ang panga, habang nakatingin sa talipandas niyang kaibigan na galing sa isang van. May nakasunod na ditong babae na panay ang ayos sa dress niya. Nagulo yata ng husto ni Hallister. Hindi ko mapigilang mapapalatak ng mapansin ko ang ayos at ngisi ng gago. Kamanyakan talaga.

"Yow! Love Birds? Na bored ako sa tagal niyo eh."
"Sa sobrang bored mo nga, pati zipper mo hindi mo na naisara eh." I rolled my eyes again at naglakad palayo sa kanila. I heard him cursed, and i heard Cali cursed too. Then followed by Trek's voice. Umaray ng malakas "Nasaan ang sasakyan mo?"

"There." Itinuro niya iyong itim na Montero Sport. Napangisi ulit ako. Mukhang doon sila nagkalat ng lagim sa rides noong higad na kalahi ni Morgianna. I doubt it, hindi kaya maamoy ng mga kasama ng gagang iyon ang resulta ng 'boredom' kuno nila. "Gara ng sasakyan ng Driver niyo no?" sarkastikong aniya sa amin.

"Aba?" Hidalgo gave him a mocking smile. "You can always say a fvcking NO, pero dahil may pabor kang hinihingi. Dude, you have to be my Driver for now."

"Oo na! Tangnang ito, segurista." Yamot na pinaandar ni Trek ang sasakyan. Ng bigla na namang mas lalong umasim ang gwapong mukha nito. "Wow! Talagang pinag mukhang Driver ako ng mga putang ina niyo!"

Umangat ang kilay ko hustong makaupo sa tabi ko si Cali. Hinablot ko ang empty bottle na naksuksok sa likod ng upuan nito at pinukol sa kanya. "Wag mo kong minumura, Hallister. Baka sipain kita palabas ng sasakyan mo."

"Si Pres, naman! Sabi ko, mga fruits ng ina niyo." Dinampot niya iyong bote at hinagis sa dashboard. "Fruits, Pres. Prutas ba sa tagalog. Ikaw ba mumurahin ko, takot ko lang sa iyo."

"Oo na! Daldal mo." Umirap akong muli.

"Opo, Kamahalan." Daldal na naman niya. "Sungit halikan kita dyan eh."  I heard he murmured something, ngunit iyong 'sungit' lang ang naintindihan ko. 

"Eh, yung kamao ko you want!?" Suddenly, Hidalgo bursts out. Kinuha din niya iyong isa pang empty bottle at binato kay Trek.

"Ay! Ang possessive lang Kuya? Nakakamatay yan uy!"

Ipinikit ko nalang ang mata ko ng magsimula na silang magbangayan. Kung iyong iba, hindi makakatulog kapag maingay ang mga kasama mo sa sasakyan. Ako hindi, kapag wala namang kwenta iyong pinagtatalunan, mabuti pa itulog mo nalang. Na relax pa ang utak, nakapagpahinga pa ang mata mo. Pareho naman silang tanga kaya, bahala na sila sa buhay nila.


---------------------------

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may ibinalot na tela sa katawan ko. And when i opened my eyes, I saw Cali holding a blanket.

"Sorry, nagising kita." I smiled at him at iniling lang ang aking ulo, umayos na ako ng upo. Ng mapatanga ako sa sabog-sabog na gamit sa sahig ng sasakyan. What the fvck? Napansin niya marahil na nakatingin ako doon, kaya't napakamot siya ng ulo. " I couldn't find this blanket. Kaya binuksan ko lahat ng bag." Iyong maleta lang kasi namin ang inilagay niya sa compartment.

"Uso kasi magtanong." Ratsada na naman ni Trek. Mabuti nalang at pinandilatan lang siya ni Cali. Kundi matutulog na naman ako. "Well, anyway. Kain tayo, gutom na ako!"

"Drive Thru." Maiksing ani Cali habang pinupulot iyong mga damit na basta nalang niyang kinalat kanina, at basta nalang niya ulit sinasalaksak sa bag pabalk.

Wala talaga akong idea sa kung anong pabor ang hiningi ni Hallister kay Hidalgo, kaya kung sumunod siya rito ay daig pa ang isang well-trained na aso. If i know, kalokohan na naman sigurado ang bagay na iyon.

"Pengeng pera."Lumingon sa amin si Trek ng tumapat kami sa window ng Booth. Hindi tuminag ang katabi ko at sumenyas lang ng middle finger sa driver namin. "Ano?! Hanggang sa pagkain ako padin?"

"Wag kang kuripot gago." Balewalang ani Cali at prenteng sumandal sa upuan. "Order na Brad, nagugutom na 'tong Mahal na Reyna ko." Sabay sulyap sa akin. Daig ko pa ang nasuntok ng kindatan ako ng gago. Parang lumukso ang puso ko. Malanding puso! Kindat lang, nagwawala na! Kumalma ka, kalma!

"Tang ina this life!"

Kita niyo? Sabi ko sa inyo eh, mayroong kakaiba sa pabor na hinihingi daw ni Trek sa malanding katabi ko. Hindi yan papa-under si Hallister kung hindi ganon ka importante ang kapalit ng pang-aalipin sa kanya ni Cali. Matapos maka-order ay halos ihagis sa amin ni Trek ang mga inorder niya. Balak balak ko na nga sanang ibato pabalik sa kanya, kung hindi ako masisiyahan sa order niya. Kaso natuwa ako ng sobra ng pahiwalay niyang ibigay sa akin iyong Big Mac, large fries, black forest sundae,  three pcs. Na pineapple pie, at coke float.

"Talaga ba Pre? Seryoso ka ito lang iyong akin?!"

Napalingon ako kay Cali na halos kagatin na sa inis si Trek. Using the rearview mirror, Trek gave him his middle finger. "You didn't tell me, what exactly you wanted to eat. Asshole. Buti nga naisipan ko pang ibili ka no. Choosy mong hinayupak ka."

"Common sense kaya diba?!" Padabog niyang binuksan iyong paper bag ulit. Bakit ano bang meron sa order ni—"Tang inang yan, sinong mabubusog sa isang regular burger, regular fries and drinks?"

Hindi ko pigilang matawa ng parang bata siyang kumagat at ngumuya. Tinawanan lang siya ni Trek na panay nguya naman sa Big Mac din niya. Bakit kasi kay lalaki ng bituka ng mga lalaki? Hindi sila mabusog sa kung anong pagkaing nasa harap nila. Umisod ako ng sa kanya.

"O" Iminuwestra ko ang dalawang pie sa mismong harap ng mukha niya. Nagtatakang nilingon naman niya ako, bago napailing at natawa.

"Eat it, Queen. Mabubusog na ako, makita lang kita kumakain." Tinulak niya sa akin pabalik iyong pie.

"Hindi ako mabubusog kung gutom ka naman. So wag ka ng maarte, at kunin mo na iyan. Baka mairita ako, ihagis ko iyang solo order mo sa bintana." Kumagat ako sa pagkain ko at inilagay ang pie sa kanyang kamay. At sa wakas din tinanggap na niya iy—"What the hell! Cali ano ba!?" Pilit akong lumayo sa kanya habang para siyang tarsier na biglang yumakap sa akin. Bumaling ako sa kanya at akmang itutulak ang pagmumukha niya palayo sa mukha ko, ng nakawan niya ako ng halik.

"Ayan po, nagtukaan na sila ng nagtukuan. May malapit na Motel dito, ano ihuhulog ko na ba kayo doon?" Huminto pa ang gagong Trek.

"Inggit ka Pre?"

"Ulol. Asa ka naman."

----------------------------

"Susunduin kita bukas?"

Sinulyapan ko si Cali na nakasandal na sa upuan ang ulo. "It's okay, En. Go take some rest, 10 am pa ang klase mo bukas diba?" Naghihikab siyang tumango. At nilingon ako. He really looked so tired and worned out.

"But that's my job, Quinn Azula." Hindi ko mapigilang makaramdam ng habag sa kanya, pakiramdam ko nanlambot pa yata ako ng marinig ang sinabi niya. Siya lang talaga ang may kayang palambutin ako ng ganito. Halatang gustong gusto na niyang umuwi at humilata sa kama niya, but since hindi pa ako sumasang-ayon sa sinasabi niya, andito padin siya.Binuksan kong muli ang pinto ng kotse at tumabi sa kanya. "Queen?" bahagya siyang napabangon ng yumakap ako sa kanya at marahang hinaplos ang kanyang buhok. Agad niyang sinubsob ang mukha sa aking leeg at ikinawit ang kamay sa aking bewang.

"Kumain ka muna bago ka matulog okay? Wag mo na akong sunduin bukas, sabay nalang tayong mag lunch at umuwi." Bumuntong hininga lamang siya at tumango habang nakasubsob sa aking leeg.

"Oi! Lovebirds, tama na ang pagiging asukal niyo dyan. Baka maging arnibal nalang kayo dyan bigla. Sa sobrang kasweetan niyo. Nakakasuka na." sumingit na naman si Trek.

"Shut up, Trek!" we both shouted and glared at him. Tumaas ang kilay niya sa amin, bago napapailing na nagtaas ng kamay.

"Yeah, right. Shut up ka nalang talaga. Trek Isaac."

"Sige na." For the last time i gave him a hug, and kissed him on his cheeks. Hindi naman siya nagpatalo at dinampian ako ng halik sa labi. I let out a soft chuckle.

"That's the right way to kiss your Boyfriend a goodbye."

Cali's Queen (Completed) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon