CQ-35

22K 487 33
                                    


His Queen 35

-----------------------------

Wearing a black above the knee dress, i walked out in my room while holding my bag. Pinalugay lang ni Mama ang buhok ko, at kung maaari daw ay ngumiti ako. Tss...

Krimen na ba ngayon ang hindi ngumiti? Hindi naman ako mamamatay kapag hindi ako ngumiti o di ko sila nginitian diba?

Bumaba ako ng hagdan at naabutan ko si Cali na kausap si Tatang. Bigla kong naalala iyong narinig ko kagabi. Talagang hahalughugin ko ang dapat halughugin, para malaman ko ang itinatago nila sa akin. Patatapusin ko lang ang Birthday ni Cali.

Then I'll proceed to my own investigation.

Aalamin ko kung sino ang Faith naiyon. At kung anong dahilan ng pang-iiwan niya. This time, I'll make sure na makukuha ko ang lahat ng kasagutan sa mga tanong ko.

"Let's go?" Sinalubong ako ni Cali sa puno ng hagdan. Tumango ako at nginitian siya. Nagpaalam ako kay Mama at humalik sa pisngi niya. Samantalang si Tatang ay sinulyapan ko lang. Hindi tayo close, wag kang ano dyan.

Napahinga ako  ng malalim ng sumakay na kami sa trailblazer niya. Iba itong rides niya, kumpara doon sa lagi niyang dala sa School na Ferrari niya.

"Iba yata rides mo ngayon?" Ani ko habang nag si-seatbelt.

Napakamot siya sa ulo nya. "I got lose on a bet, kaya ayun...Kay Shaun muna siya, pero babawiin ko yun!"

Umirap ako at tumingin sa labas. Alam kong mahilig siya sa mga kotse. At iyong pustahan na sinasabi niya, that involves car racing. Hinahayaan ko lang, nakilala ko na siyang ganyan eh. So why bother to change him.

Tinanaw ko sa backseat ang malaking kahon ng regalo niya. Hindi na niya ako pinabili at siya na daw ang bahala.

"Anong balita kay Korin? May lead na ba?" Binasag ko ang katahimikan.

" Well,  wala padin eh. But I know they're doing their best."

"Alam mo bang nakita ko si Eiji at Lauren sa Mall?" Kusang lumabas iyon sa bibig ko.

"And?"

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Anong and? Napaka slow niya talaga! Hindi ba obvious na nagdududa yung tono ko?!

Kinagat niya ang labi niya na para bang nagets niya na ang gusto kong iparating. "Madalas namang mangyari iyon, close din naman kas---"

"Lauren kissed Eiji on his lips. Oh ano, close padin sila?" Letse.

Nanlalaki ang mga mata niyang sinulyapan ako. Ano ka ngayon, Hidalgo?

"T--They k--kissed?"

"Oo paulit-ulit?" Umayos ako ng upo. " Ilang beses ko na silang nakikitang magkasama, nagdududa na ako pero sinantabi ko. Wala naman kasi akong ebidensiya.  Not until I saw Lauren kissed him."

"Gago talaga!" Napasulyap ako sa kanya. "Akala ko si Korin ang unang bibigay, dahil sa hantarang harassment ni Storm. Si Eiji pala! At kay Lauren pa!?"

"Paano napasok dito si Bagyo?"

"Hindi mo ba napapansin?" Tinaasan pa.niya ako ng kilay.

"Magtatanong ba ako, kung napapansin ko?" Sininghalan ko na siya. Napaka slow kasi!

"Gusto ni Storm si Korin. Kahit sila na ni Eiji."

"I see..."

Hindi na ako nagsalita pa, ganun din naman siya. Nagfocus na yata sa pagmamaneho. Hindi ko mapigilang mapaisip, pwede kayang alam nilang tatlo ang nangyayaring ito?
Pero bakit kailangan pang humabi ng ganitong kwento. Bakit hindi nalang sila maghiwalay na mga letse sila diba?

Cali's Queen (Completed) EDITINGWhere stories live. Discover now