CQ-57

20.6K 374 27
                                    

His Queen 57

------------------------------

May flowers na naman?

Halos magdikit na ang kilay ko habang nakatitig sa bouquet ng tulips naman ngayon, kaninang umaga pagmulat ko. Hindi pa nga ako nakakatooth brush, may nagdeliver ng isang bouquet ng white roses. Ngayon tulips. Punyeta pag mamaya talagang gabi nakarecieve pa ako ng bulaklak. Tatawagan ko na talaga iyong flower shop na nagdedeliver sa akin, at balak pa atang gawing extension ng halamanan nila ang suite ko!

Hindi ba nila alam na wala akong hilig sa bulaklak? Nakakaiinis na.

Binitbit ko ang bulaklak sa loob at nilapag sa center table. Mabubusog ba ako sa bulaklak? Kagagaling ko lang Airport dahil kina Zayn. Talagang tinotoo niyang lumabas ng bansa, kasama ang mag ina niya. At kanina pa ako tinatawagan ng Parents niya, para makibalita.

I just turned off my phone, dahil sumasakit ang ulo ko.

Pabagsak akong nahiga sa kama at pinikit ng mga mata. Kaso hindi pa nga nakakalipas ang ilang minuto, narinig ko na namang may nagdodoorbell sa labas.

Arghhhh!!!!!

Malapit na talaga akong makapatay!'i want peace! I want to sleep! I want to take rest! Hindi ba pwedeng kahit ngayon lang, maging payapa naman ang mundo ko?!

Pabalagbag kong binuksan ang pinto.

"Oh bakit di kapa bihis?"

Kahit pakiramdam ko lumukso ang puso ko sa kwapuhan niya ngayon, lamang padin iyong asar ko! "Ginagawa mo dito? Palaboy kaba ha? ha?"

"Nag iwan ako ng note sa flowers, sabi ko aalis tayo. Hindi mo binasa?"

Umasim ang mukha ko. Ang gusto ko matulog! "Ayokong sumama at what made you think na sasama ako sayo?"

"Kasi nanliligaw ako? At nililigawan ulit kita?"

"Ayoko, inaantok ako. Mas gusto ko matulog." Tinalikuran ko siya at naglakad pabalik sa kwarto. Bahala ka sa buhay mo dyan. Lihim akong napangisi ng hindi siya magprotesta, mabuti nama----"Anong ginagawa mo?!"

Bakit naghuhubad ng sapatos ang gunggong na ito?

"You said you wanna sleep."

"Oo nga, kailan pa naging ako ikaw, aber?" Jusko minsan talaga to si Cali, ang hina! Hindi makaintindi. Gwapo nga tanga naman. Most of the times bobo pa. Buiset.

Nauna pa siyang humilata sa kama. Kalma Azula! Kalma! Baka makapatay ka ng tanga, makasuhan kapa. "Hoy, Hidalgo, ang gusto ko matulog. Hindi makipagpatintero saiyo sa kama ko." Jusko! Jusko talaga! Malapit ng masaid ang pasensiya ko!

Exaggerated siyang suminghap. "Ako nga Mahal na Reyna, hindi ko naisip iyon! Tapos ikaw?" Ngumisi siya ng nakakaloko sa akin. "Ikaw ha, Queen Azula. Pinagnanasaan mo ako ha?"

Nalaglag ang panga ko sa pinagsasasabi ng tukmol na ito. Wala na! Wala na talaga! Nawala na yung antok ko! Sa sobrang buisit ko sa kanyang hayup siya. Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Aalis pala ha?
"You told me na aalis tayo? Ano pa inaantay mo? Bangon! Dalian mo! Bago magbago isip ko!"

Nagmamadali naman siyang tumayo. At nagsapatos ulit.

--------------------------

"Queen, alam kong gwapo ako. Pero hindi ako imortal."

Nagtaas ako ng kilay. Aba? Nagrereklamo, eh siya tong nag aya ng gala.

"Kanina sa Star City, ngayon dito naman sa Enchanted Kingdom. Mabuti sana kung sinasamahan mo ako sa lahat ng rides!" Ngumuso siya, na ikinatawa ko ng malakas. Hindi talaga ako nakapagpigil. Napahagalpak na talaga ako ng tawa. "And now you're laughing at me! I almost died, riding those things! Tapos tatawanan mo lang ako?!" At nag walk out si loko.

Cali's Queen (Completed) EDITINGWhere stories live. Discover now