CQ 3

39.2K 945 26
                                    

HIS QUEEN THREE

"What's happening here?"

Natahimik ang buong room ng bumungad ako sa kanilang pinto. Mayroong babaeng nakasalamin din ngunit bilugan ang lente nito. "Mga College na kayo, yet you're behaving like an elementary student? Anong kabobohan yan?"

Napangiwi iyong babae, at mukhang hindi lang siya. mukhang lahat sila. Binalingan ko iyong babaeng nakatayo at pinagtaasan ng kilay, agad siyang namutla sa akin.

"Ikaw? Anong balak mo? Maging model diyan para sa first subject niyo?" Singhal ko sa kanya.

"Ha? Hindi po!" malalaki ang hakbang na dumiretso na agad siya sa kanyang silya.

"Shut up. All of you! Kapag narinig ko ulit ang commotion dito, I assure you all of you! Will go to the detention room." Saka walang lingon likod na nilayasan sila. Mainit ang ulo ko. Kaya lahat ng nakita kong kakalat-kalat sa paligid sa nakakatikim sa akin ng singhal.

Hindi ko kasi makita ang salamin ko sa mata,bukod pa sa buisit na malanding si Cali na nakuha ang no. ko kahit na hindi ko binibigay. Magdamag niya lang naman akong tinext ng tinext ng malalanding pick up lines. Para siyang alarm clock na paalala ng paalala ng agahan, na mag-ingat, na wag mag skip ng pagkain---Jusmiyo!

Anong akala niya sa akin? To-do-list!? Listahan ng mga dapat maalala at hindi malimutan?!

Nagvibrate ang phone sa aking bulsa. Naka silent iyon kaya't muntik na akong mapamura sa gulat. I swear kung si Hidalgo ito patatakbuhin ko siya sa quadrangle ng sampung ulit!

Binasa ko ang mensahe para lang matigilan. How dare him...

Agad kong binura ang mensahe at pumihit pabalik sa dinaanan namin. Mabilis at malalaki ang hakbang ko, halos tumakbo na ang mga SC member na nasa aking likuran. You won't accept him again, Mama.

"Eeeh...Kasi naman bawal nga dito, baka may makakita sa atin eeh." Naningkit ang mga mata ko pagkaliko ko sa hallway at makita ang naglalandiang freshmen at senior niya.

"Sige na smack lang naman eh. Mabilis lang yun. Promise---"

Aba't ang landi!

"Both of you! Detention room now!" Nilingon ako nung senior at agad siyang namutla. Samantalang iyong babae ay humalukipkip lang at pinaputok ang bubble gum nya. Aba, palaban ito ah?

"Pres. Sorry." Napakamot sa batok iyong senior.

"Why are you saying sorry? She's just a Student Council President lang naman ah?"

"Anong sabi mo?" Umisang hakbang palang ako ay pinigilan na ako nina Danna at Keiki.

"Isang SC President na bingi?" she gave me a mocking smile.

Pasensiyosa akong tao, pero ganitong may masamang balita akong natanggap. Parang mitsa lang sa iksi ang pasensiya ko. Sindihan mo at segundo lang ubos na.

"Noleen tama na." hinatak ito ng lalaki. Pumiksi naman ang freshmen at muling pinaputok ang bubble gum niya.

Mariin akong pumikit at nagbilang sa aking isip. You should remain calm Azula. Be calm. "Isama mo sa detention room, iyang pasaway at walang modong freshman mo." ani ko pagkadilat. Tinalikuran ko na sila habang maliwanag pa ang paningin ko, at baka masaid lalo ang pasensiyang sinagap ko.

"Bitch! Bakit ako susunod sa iyo?" Sabay may humigit sa buhok ko.

And that's what Im waiting for. Sumabog na aking pasensiya, mabilis kong hinawi ang dalawang kamay niyang nakahawak sa buhok ko, at pinadapo ang kanang kamay ko sa pisngi niya. Gulat silang napatanga sa babaeng muntik ng matumba.

Cali's Queen (Completed) EDITINGWhere stories live. Discover now