Final Chapter

22.7K 666 77
                                    


Final Chapter

--------------------------

Six Years...

Hindi ko alam paano ko nagawang mabuhay sa loob ng anim na taon ng wala siya. Tang ina, hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan eh. Ok naman kami eh. Tapos bigla nalang sasabihin niya na ayaw na muna niya akong makita.

Maiintindihan ko naman kung mawawala siya ng mga ilang linggo. Kasi sinabi naman niyang naaalala na niya lahat. Pero tang ina Six years? Para akong mababaliw na naman sa kakahanap sa kanya. She told me she's in Europe. Puta sa laki ng Europe saan ko siya hahanapin?!

I went to Zayn, ngunit kahit ano gawin ko. Wala talaga siyang sinabi sa akin.

Napapagod na ako. At first she left me for three fvcking long years. Tapos ilang buwan, umalis na naman siya? Nakakagago. Bakit ba ang hilig niyang umalis? Ang hilig niya tumakbo palayo? Bakit palagi nalang siyang nang iiwan. Hindi ba talaga niya kayang lumaban kasama ako?

Minsan gusto ko nalang mamatay para wala na akong poproblemhin, para wala na akong iisipin, wala na kong maramdaman. Para matapos na lahat. Ni hindi man lang niya ko hinintay makauwi. Hindi niya ba alam, nung sabihin niyang pinatatawad na niya ako ng gabing iyon. Lahat, inayos ko.

I even went to Morgianna's Parents para putulin na ng tuluyan ang ugnayan namin. I told my Dad, he can start disowning me that night. Dahil never kong papakasalan si Morgianna. Then tinawagan ko si Ate, para tanggapin iyong inaalok niyang trabaho sa akin.

I start fixing everything, pero sa isang iglap. Nawala siyang parang bula na naman. Tangina. Nakakagago. Pinahid ko ang tumulong luha at namulsang tumingin sa dagat.

"Kuya Cali! Kuya Cali! Ay hinahanap kayo nina Kuya Xin at ni Kuya Break doon."

Nilingon ko si Andeng na humahangos papunta sa akin.

"Why?"

Ngkamot siya ng ulo. "Ay ayan naman kayo niyan eh! Sinabi ko na ho, pag dito sa amin. Wag na kayo pa ingles ingles!"

Napapailing na tumago ako. "Wher--Nasaan si Break?"

"Ay naroon sa kapatagan! May mga kasamang dayo, kay gagara ng mga oto!"

Sinenyasan ko siyang mauna at susunod ako. Medyo may kalayuan ang ngunit dahil hapon na ay ayos lang din. Kahit papaano naman nababaling sa iba ang atensiyon ko.
Mula sa kalayuan ay natanaw ko na si Break at yung bestfriend niyang si Xinnix.

Umangat pa ang kilay ko ng makita kung sino ang akbay nito. Si Kianna ni Trek.

"Yo."

"Eto na pala inaantay natin eh." Nginisihan ako ni Break, yung mga kasama naman niyang dayo daw na di naman mukhang dayo ay tiningnan ako. Mula ulo hanggang paa. Oi, kahit naka cargo shorts at plain shirt lang ako. Mas gwapo padin ako sa inyo.

Wag lang kina Xin at Break, medyo papalag kasi sa gandang lalaki yang dalawang yan eh. Bumaling ako kay Kianna at nginitian ito.

"Hi." She greeted me na ikinatingin ni Xin sa akin.

"You know this idiot, Rie?"

Nagsalubong ang kilay ko. Diba si Kianna ito? Bakit Rie daw? "Rie?"

"He's just one of my old friend's friend." Yumakap pa ang babae sa bewang ni Xin. Naku po. Trek nasaan kaba?

"Her name is Kianna Marie. I don't want to call her Kian or Kianna, some asshole like you used to call her on that name."

"Whatever, Xinclair." Hinarap ko si Break, na ngayon ay nagbibilang na ng peram. What the hell?!

Cali's Queen (Completed) EDITINGWhere stories live. Discover now