CQ-15

28.1K 722 32
                                    

CQ FIFTEEN

''Hindi pa ba aandar ito?''

For the 3rd time, Cali asked me. Malamang kailangang punuin iyong mga seats. Shunga talaga. Pataas kami ng pataas dahil nga may isinisakay sila sa ibaba. Hindi ko mapigilang tumingin na sa ibaba kahit pa hindi pa naman masyadonh kataasan ang puwesto ng kinauupuan namin. I didn't know that seeing Taal Volacano up this close is really beautiful. Napakaganda niyong berdeng paligid. Hindi ko mapigilang mapanganga sa hamog na nagmimistulang ulap dahil sa kapal niyon, kahit pa hindi naman umaga at hapon na. Idagdag mo pa iyong papalubog na sinag ng araw.

"It's beautiful..."

Nilingon ko si Cali. Nahigit ko ang hininga ng halos ay magdikit na ang mga mukha namin. Lumapit pala siya sa akin, bilang sagot ay tumango lamang ako. Ang alam ko pwedeng mamangka mismo doon sa Taal Lake eh, ayain ko kaya siya mamaya? I heard him sigh, bago niya ipinatong ang mukha sa aking balikat at niyakap ako sa aking bewang. Hindi pa siya nakuntento ay isiniksik niya ako sa katawan niya.

''Mahal na Reyna..."

''Hmn."

''Nasabi ko na ba sa iyo na..." he paused. At sumiksik lalo sa leeg ko.

''Na ano?''

''Mahal na yata kita." He chuckled.

Lumagabog ang aking dibdib ng sobra sobra. Kahit hindi ako tumingin sa salamig harang ay alam kong namula talaga ako sa sinabi niya. Hindi ako umimik. I was caught off guard by his words, by his confession. Nagkaboyfriend naman ako noon, pero hindi ko alam kung bakit pagdating sa kanya, nawawala sa tamang ritmo ang puso ko. But still, parang ayaw ko maniwala eh. Coz he's a playboy. ''Wala kang sasabihin, Mahal na Reyna?''

''What do you want me t—to say?!'' Nakagat ko ang ibabang labi. Damn, Azula. You st because of him huh? Mahina siyang natawa na naman. ''Anong nakakatawa?''

''Okay lang kahit wala ka pang maisasagot sa sinabi ko. I can wait, 'till you will finally say. I love you too. Or I love you so much." Marahan niyang isinayaw-sayaw ang katawan namin.

Hindi parin ako umiimik. I bit the inside of my mouth. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nasa aking bewang, hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ko ang bracelet na binigay ko sa kanya. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang nagrerebelde kong puso. I always wanted to ask this...

''En..."

''Hmn?'' his breath fanned on my cheeks. Nagtayuan ang balahibo ko doon. ''What is it?''

I took a deep breath again. ''If I gave you my heart...Can you promise me that..." I bit my lips.

''What?'' Dinampian niya ng halik ang gilid ng ulo ko.

'That you won't break it into pieces?''

His body stiffened. Alam kong napatitig siya sa akin, ngunit di ako lumingon. I'm afraid that, he will see my true feelings thru my eyes. Tipid akong ngumiti at tumitig sa labas.

''Mahal na Reyna. Relationship life is not always full of rainbows and pixie dust. There's no perfect relationship.'' Dinampian niya ng halik ang gilid ng ulo ko. ''We will fight, we will argue. Magkakatampuhan, magkakaselosan. Admit it or not. Walang relasyon na hindi nakaranas ng ganyan. But that's relationship right? I can't promise you that I won't make you cry. Syempre, iiyak lang naman tayo kapag nasasaktan na tayo di ba?''

''So balak mo nga talagang paiyakin lang ako?'' I crinkled my nose.

''What I mean--Ano bayan hirap mag explain ha?'' Nagkamot siya ng ulo niya. ''Ibig kong sabihin paiksiin ko Mahal na Reyna ah. Hindi ako makakapangako na hindi kita mapapaiyak. Hindi lang rin naman naiyak ang isang tao dahil sa nasaktan sila ng husto. There are still some positive reason that can make us cry, So, just incase masaktan man kita or mapaiyak man kita, I promise hindi dahil nagloko ako o naghanap ako ng iba. Tagalog na iyan, matouch ka naman sana."

Cali's Queen (Completed) EDITINGWhere stories live. Discover now