CQ-2

56K 1K 84
                                    

His Queen-2

-----------------

My Mother told me that the more you became attached to a one person, the more you will find difficult to dettached yourself from them. I don't care if they're calling me heartless, ice queen, stone heart. Etc etc. I don't give a shit.

Nag-iingat lang ako.

I don't want a friend. Okay na sa akin yung acquaintance. Friends can give you heartaches too. I'm not reffering to that freaking friend zone thingy.

"Oh? Wala bang susundo sa iyo ngayon anak?"

I look at my Mom and raised my brow. "Wala namang rush project o trabaho sa council, Ma."

Mahina siyang tumawa at inayos ang ilang hibla ng buhok ko. "I'm reffering to a suitor or a guy friend."

"Ewan ko sa inyo, Ma." humarap ako sa salamin for the last time, at inayos ang eye glasses ko. Suitor suitor. Sakit lang sila sa ulo. Tahi-tahimik ng mundo ko tapos kukuha ako ng payaso para guluhin lang ito? Hindi pa ako nababaliw. At mas lalong di pa nagkakasabaw ang utak ko.

"Aba! Azula! Third year College ka na!"

"Oo nga Third Year College ka na eh."

Nilingon ko ang sumegunda sa Nanay kong mas excited pa sa akin na magkaboyfriend. Tsss...Ano namang ginagawa ni Tanda dito?

"Ginagawa mo dito, Tanda?"

"Maka Tanda ka, Mahal na Reyna ah?" Inirapan ko lang si Anderson at humalik sa pisngi ni Mama. "Naku, Tita iyang anak niyo never magkakaboyfriend. Tumaas palang ang kilay niyan, nababahag na buntot ng poporma sa kanya."

"Hindi ako mamamatay kung di ako magkakaboyfriend, Tanda." Bumaling ulit ako kay Mama. "Aalis na ako."

"Aba! Quinn Azula! Ako ang mamamatay! Mag boyfriend ka na nga, ng mabawas-bawasan naman ang pagiging yelo mo."

I rolled my eyes, at dumiretso na sa kotse ni Zayn. Kapit bahay namin siya. Mga limang bahay ang layo nila. Dinadaanan niya ako kapag papasok na siya sa University. At dahil wala naman akong dapat ikahiya, sa mismong School parking lot ako bumababa.

Pakialam ko kung gawaan kami ng issue. Like what I've said. Wala akong pakialam sa kanila. I don't need to feel bothered, just because of some stupid rumors.

"Bakit ayaw mo ba kasi mag-boyfriend?" Inistart niya ang kotse. "Ni makipagkaibigan ayaw mo. Ako lang yata ang kinakausap mo, at pati yung mga member lang ng Council."

Hindi ako umimik at tumingin lamang sa labas. "I don't need a plenty of friends Zayn. Mas mainam na yung isa o dalawa. Okay na yung kayo ni Mama lang ang mas kinakausap ko."

"Sabi mo eh."

When I was ten years old. May nangako sa akin, sa amin ni Mama. Na hindi niya kami iiwan. Every Christmas I used to wait him beside our Christmas Tree. Umaasa na siya mismo ang magbubukas ng regalong binili ko. Lumipas ang ilang taon. Nagkaroon ako ng mga kaibigan. But they are just my friend because I'm a honor student. I'm a SSG President.

Ng mag Third year High School ako, I met Julian and he became my first boyfriend. But like those fake Bitches who pretended to be my friends. Niligawan niya lang ako dahil sa laki ng pakinabang niya sa akin. And I start building my own ice wall to cover myself and prevent my heart to be hurt again.

Hindi totoong kaya mananatili o nananatili sa tabi mo ang isang tao, ay dahil sa pagmamahal. They're just sticking next to you dahil may pakinabang ka pa sa kanila. Napatunayan ko na iyon. Hindi lang sa akin, maging kay Mama.

Cali's Queen (Completed) EDITINGWhere stories live. Discover now