CQ-5

34.3K 811 17
                                    


HIS QUEEN 5

After that freaking stupid incident on rooftop ay hindi na nagpakita pa ulit sa akin si Hidalgo. Well, much better nabawasan ng gulo ang mundo ko. Back to normal ika nga. Inayos ko ang pagkakatali ng aking buhok, Nagkalat ang mga estudyanteng pagala-gala sa buong campus. Kanya-kanyang pili at hatak kung saang booth sila tutungo. Kasalukuyang naghahanda ang bawat Muse ng bawat Department, preparing Mr and Ms. St. Haven.

"Hmp! Dapat si Korin nalang ang ipinanlaban eh."

Lumipad ang tingin ko sa dalawang estudyante na nakatayo sa aking harapan. Nakatalikod sila sa akin at nakatingin sa mga panlabang Muse.

Saan kayang lupalop sumuot ang Hidalgo na iyon? Binagtas ko ang hagdan paakyat, since nasa second floor ang Council Room. Sa tabi non ay ang Detention room. Iyon nga dapat ang balak nilang gawing Jail Booth, para sa mga estudyanteng mahuhuling suot ang banned color sa buong Campus.

But of course, I said no.

Saan ko isasadlak ang mga mahuhuli kong violators aber? Inalisan pa nila ako kulungan. Lumiko ako sa pasilyo eksaktong muntik na akong mabangga sa kung sinong lumiko din.

"President Stratford." Siya ang unang nakabawi.

If I'm not mistaken, I heard Cali called her Morgianna. Hindi ako umimik ngunit huminto ako sa paglalakad at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nang bigla siyang matamis na ngumiti, and I swear gusto kong tapyasin ang dark red niyang labi

"So what are you doing here? Knowing that there are no members inside our office?''

''Nagiikot-ikot nga, masama ba iyon?'' Napalis ang ngiti sa kanyang labi. She even stood straight.

"Bakit? Freshmen ka ba? Hindi kaba nai-tour noong unang araw mo dito sa St. Haven?"

"Ahm no. hinahanap ko din kasi si Cali."

Kumalabog bigla ang aking dibdib. Leche, wag kang makiepal dyan. "Mukha bang nandito si Hidalgo?"

''Mukha ngang wala eh." Malanding humalakhak ang bruha. "I just want to tell him sana na nag-enjoy ako kahapon na kasama siya, with his friends. Sige! Bye, Pres!" Mabilis siyag tumalikod at tanging takong na lamang niya ang narinig ko.

Naiwan akong natitigilan. Hinayupak siya. Balak ko pa naman sanang i-consider na siya as one of my friends. But never mind.

He wants the Ice Queen side of me? Then I'll show him.

************************

Abala na ang lahat kani-kanilang Booth. Eksaktong ala-una magbubukas ang lahat. Iyon din ang oras na iaanunsiyo ang kulay na bawal suotin ng mga estudyante.

"Pres. May baon kang damit?"

"I don't need a spare clothes Kei."

"Hala si Pres. Azula." Nagkamot siya ng ulo at nilabas ang puting polo shirt. "May color ban nga diba?"

Napatingin ako sa aking asul na turtle neck shirt. "Hindi ko kailangan ng ibang damit." Bumalik ako sa mesa ko at muling nagbasa ng libro.

"Eh...Pres. Kahit daw mga SC Member kasali sa huhulihin eh."

"Don't care.'' Sumandal ako sa upuan at inayos ang salamin ko. I'm busy discovering the hidden truth about those flirty Disney Princesses.

"Wag nalang kayo lumabas ng booth, Pres." Si Danna. Hindi na ako umimik at pinagpatuloy na ang pagbabasa. Hindi na sila umimik pa, tho I heard them giggled.

Cali's Queen (Completed) EDITINGWhere stories live. Discover now