CQ-46

25.8K 774 122
                                    


His Queen 46

--------------------------

I swear to God, I saw her.

Ginulo ko ang buhok at marahas na napabuga ng hangin. Or maybe I'm just mistaken? Maybe I'm just badly missing her, kaya napagkakamalan ko  ang ibang tao na siya?

Nagbuga ulit ako ng hangin.

"Hindi ka ba pupunta sa University ngayon? Hijo?"

Nilingon ko si Nana. "Si Nana, nang-aasar yata? Kalalabas ko lang ng Ospital."

Humalakhak siya at ginulo ang buhok ko. "Pinagluto kita ng paborito mong Pininyahan, bumaba ka maya-maya."

Napangiti ako at tumango.

Ngayon nga pala iyong Ms. SH 2017, nakatanggap ako ng invitation doon. Kung hindi nga ako nagkakamali, lima kaming inimbitahan. But unfortunately, nasa ibang bansa nga si Eiji. Hindi ko lang alam kung yung tatlong ungas ay pupunta.

Ang alam ko din ang Ama ko ang isa sa mga Special Guest. Siya yata ang mag aabot sa plaque at magsusuot ng sash. Nilinga ko ang wall clock at saka ko naalalang pinabababa nga pala ako ni Nana.

Well, pininyahan. Mukhang marami na naman akong makakain.

Iika-ika akong lumabas ng kwarto at sinara ang aking pinto. Hindi ko mapigilang gumabay sa dingding habang naglalakad patungo sa hagdan. Damn. Mapalinis nga muna ang guest room, mas malapit sa hagdan iyon eh.

Nadaanan ko ang kwarto ni Papa at sarado iyon. Umalis na siguro papuntang Uni.

At hanggang makababa ako ay pahirapan. Tang ina! Magpapagawa nga ako ng elevator! Pahirap masyado itong grand staircase na ito, puta!

"Hooo! Success!" Buisit! For the nth time, napabuga na naman ako ng hininga. Lalo akong ginugutom. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng makarinig ako ng mga pigil na sigaw. I tilted my head and follow those muffled shouts.

Sa study room.

Pumihit ako patungo sa study room. Habang lumalapit ay mas nakikilala ko ang mga boses. Si Papa.

At si Morgianna?

"Tigilan mo muna ako Gia! Wag ngayon! Marami akong problemang dapat asikasuhin sa Kompanya!"

"Tigilan? Uncle! We're talking about Azula! At hindi ako titigil at di kita titigilan hangga't di kami nakakasal ni Cali!"

Morgianna shouted.

"Lower down your voice, baka marinig ka ni Cali!" My Father hissed her. Lumapit akong lalo sa pinto. "Stop worrying too much, nagawa mo noong masira sila at mapaghiwalay, anong kinatatakot mo ngayon?"

"Anong kinatatakot ko? Uncle, we're talking about Azula. We both know how much Cali loves her, three years Uncle. Yet, he's still inlove with her. Those pictures are not enough for him to hate her! We need something more than those pictures Uncle! We need more than that!"

Nanginig ang kalamnan ko sa narinig. Those pictures... Siya ang nasa likod non? She's the who send those pictures? Sa harap mismo ng buong pamilya ko? Was it true that Azula kissed him? O baka edited lang din iy---

"Dapat nga magpasalamat ka pa at pinasundan ko siya. At magpasalamat ka na hinalikan siya ng lalaking iyon, dahil kung hindi niya ginawa iyon wala kang magiging alas sa kanila! If it wasn't those pictures, hindi sila magkakahiwalay. Hindi siya papayag sa engagement niyo."

My hand gripped tightly on the doorknob. All this time...She was telling the truth. She didn't cheated on me.

For three years? Naniwala akong niloko niya ako? Just because of those stupid fcking pictures?

Cali's Queen (Completed) EDITINGWhere stories live. Discover now