CQ-17

25.4K 588 18
                                    

His Queen 17




-----------------

Desperate for changing, starving for truth

I'm closer to where I started, I'm chasing after you

I'm falling even more in love with you

Letting go of all I've held on to

I'm standing here until you make me move

I'm hanging by a moment here with you

Napailing ako ng magsikuhan si Trek at Sven. Natatamaan kasi ng handle ng gitara ni Trek ang siko ni Sven, na siyang tumitipa sa keyboard. Kay lawak-lawak naman kasi ng space, nag kocompress silang apat. Parang mga tanga. Hindi ko alam na marunong palang mag gitara si Hallister. Akala ko puro shoot at patong lang ang alam niya. Si Alcantara kasi, alam kong bokalista siya ng School Band namin, I know he can play guitar too. Kaya di na ako nagtatakang narito siya ngayon.

Hindi miminsang pinandidilatan ni Cali si Sven at Eiji, dahil mas nangingibabaw ang boses nung dalawa kapag nag sesecond voice sila kay Hidalgo. I didn't know Eiji can sing too. Maganda rin ang boses nito. Talagang ideal man ang gago. No wonder, Korin is very much into him.

Forgetting all I'm lacking,

Completely incomplete

I'll take your invitation,

You take all of me now

''Hindi ko alam na Boyfriend mo na pala?'' Nilingon ko si Mama. Nakatingin siya sa baba ng nakangiti padin. Hindi siya galit? Although, sa totoo lang hindi ko alam kung bakit hindi ako makaramdam ng pagsisisi na naglihim ako. Siguro dahil alam kong matagal ng may nililihim sa akin si Mama.

''He insisted, he keeps on pestering me."

"Bago 'yon ah?''

Kumunot ang aking noo saka nilingon si Mama. Anong bago? Waring nabasa naman niya ang isip ko at agad siyang nagsalita ulit.

''Iyong hinayaan mong may makalapit sa iyo. Ikaw pa? Eh kapag sinabi mong ayaw mo, may makakapigil ba sa iyo?'' umiling-iling si Mama. "Maybe he's really special to you."

''Ewan ko sa iyo, Ma." I rolled my eyes once again. Bumaba ang tingin ko sa mga siraulong nanghaharana ng marinig kong may umaray sa kanila. Ano na namang problema nitong si Hidalgo, at siniko si Sven?

"Wag kang masyadong bumanat ng kanta! Puro boses mo nalang naririnig. Baka ako ang nanghaharana?"

"Tangina!" Mabilis na hinaplos ng sunod-sunod ni Alcantara ang sikmura niya. "Edi sana, hindi ka nagpatulong diba?!"

"Ang iingay niyo, letse." masungit na saway ni Trek sa kanila.

"Dito mo na sila pakainin, Azula." Umalis si Mama mula sa pagkakasandig sa bintana at tinalikuran ako. "Ihahanda ko ang hapag, para sa Boyfriend mo." At nang.aasar pa akong nginitian!

"Tumigil nga kayo Ma! Bababa din ako, tulungan ko kayo. Lalagyan ko ng lason iyong kakainin ni Cali." Hahakbang palang ako palapit ay pinandilatan na ako ni Mama. "What?!"

"Magtigil ka Azula. Stay here and change your clothes. Mukha kang Yaya ng Boyfriend mo."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ano raw?! Ako mukhang yaya!? Aba't! "Mama!" nabubuisit na tili ko. Ngunit halakhak lang niya ang narinig ko. Ang kapal ng Nanay ko! Ako Yaya? At talagang sa Yaya pa ako nakumpara. Nyeta. Wala sa sariling napasulyap ako sa salamin. Kita doon ang buong katawan ko since wall mirror iyon. Humarap ako doon at sinipat ang sarili.

Cali's Queen (Completed) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon