EPILOGUE

35.8K 781 106
                                    

Epilogue

----------------------------------

Pinagmasdan ko si Cali habang buhat buhat si Cattly at isinasayaw sa taas. Panay hagikgik lang nilang dalawa ang naririnig ko sa buong dalampasigan. We rented a Beach Resort here in Bohol. Ito ang pangalawang araw namin dito. At hindi na sila mapaghiwalay. Ultimo sa pagtulog magkatabi sila. Minsan napapailing na lang ako. Two days ago ng bumalik ako dito, at nagkaayos kami. Sariwa pa sa isip ko, kung paano siyang humagulgol sa harap ng anak namin.

"Hi Daddy!"

Nagulat ako ng bigla siyang umiyak. Niyakap niya ng mahigpit si Cattly, para siyang batang impit na humihikbi. Habang ang anak ko ay nagtatakang niyakap siya. Hinaplos pa niya ang likod ni Cali na lalo lang ikinaiyak ng Daddy niya.

"Why are you crying, Daddy?"

Pinahid ni Cali ang luha at mahinang tumawa. Nag angat ako ng tingin and I saw how his Parents wiped their tears too. "I'm just happy. Very very happy." gumaralgal na naman yung boses niya. 

"Mommy!" ngumiti ako at ibinuka ang mga braso, pasubsob siyang yumakap sa akin. "Sabi po ni Daddy mangunguha kami ng sea shells!"

"Go ahead." 

"Babalik kami agad." Lumapit sa akin si Cali at dinampian ng halik ang ulo ko. Tumango lang ako dahil hinahatak na siya ni Azaleiah. Napapabuntong hininga na tumayo ako at naglakad sa dalampasigan. Nagsisimula ng dumilim ang paligid. Ngunit mas nakadagdag lang iyon sa ganda ng paligid. Kagabi tumawag ako kay Feit. Naalala ko yung tanong niya, kung ano ng relasyon namin ngayon? Kami na daw ba ulit?

I don't know,

Pero kahit walang label ang relasyong ito. Basta alam ko na mahal niya ako at mahal ko siya. Kuntento na ako. And I never been so contented in my whole life. I never been this happy in my whole life. Hinayaan kong mabasa ng tubig dagat ang mga paa ko. Anim na taon, anim na taon pala ang sinayang ko ng lumayo ako sa kanya. Siguro, kung naging matapang ako. Baka kasal na kami ngayon. Baka lumaki si Cattly na sabik sa Ama.

Though, I know hindi pa naman huli ang lahat.

At ayokong maging mahuli ang lahat. 

Nilingon nila akong dalawa at sabay silang kumaway. Ang Hari at ang Prinsesa ng buhay ko. Hindi ko alam kung para saan iyong pagpatak ng luha ko, kung dahil ba sa nagsisisi ako dahil sa dami ng taon na nasayang ko para sa kanilang dalawa, at para sa aming dalawa. O dahil hindi lang talaga ako makapaniwala na pagkatapos ng napakahabang tao na puno ng sakit, ng kawalan ng tiwala, pagsuko at kasinungalingan. 

Heto padin kaming dalawa. Nakangiti padin sa isa't isa.

Pinahid ko ang luha ng makitang naglalakad na sila pabalik sa direksiyon ko. 

"why are you crying?" natatawang tanong niya sa akin. Pinahiran niya pa yung mga bakas ng luha sa mukha ko. Umiling ako at ngumiti.

"Napuwing lang ako, lakas ng hangin eh." 

Humagalpak siya ng tawa at niyakap ako. "Hindi ako Grade One, Mahal na Reyna." 

"Ewan ko sa iyo." 

"Kain nalang tayo, nagugutom na ako." Tumango ako at sabay kaming naglakad papunta sa Beach House. Karga niya si Cattly habang nakaakbay sa akin. "Tapos mamaya pakain ako sayo ha?"

"Cali!" na eeskandalong sikmat ko sa kanya. Tumawa lang ulit siya ng malakas. And I'm really happy seeing him laughing like this. I'm so happy to heard him laughing like a child again.

--------------------------------------

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa upuang tumba tumba, dito sa terrace ng Beach House. Akma akong tatayo ng mapansin ko ang kumot na nakabalabal sa aking katawan. Napangiti nalang ako. Binitbit na iyon at pumasok sa loob ng bahay, gaya ng nakagawian niya.

Cali's Queen (Completed) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon