CQ-22

23.1K 615 47
                                    

His Queen 22

--------------------

Wala nga yatang taong hindi kayang magsinungaling. People are born to lie, and lie and lie. Isang bola ang gumulong patungo sa paanan ko, at doon nabaling ang aking tingin. Matapos kong umalis kanina sa Mall ay dito ako dinala sa isang Park ng aking mga paa, akala ko nga manhid na sa pagod ang mga binti ko, hindi pala. Dahil hustong makaupo ako sa isang swing ay saka ko pa naramdaman ang panginginig nito.

Pinulot ko ang bolang nasa aking paanan, habang nakaupo pa rin sa swing.

''Ahm...that's mine." Nilingon ko ang nagsalita, and I was greeted by a handsome guy. Tumango lamang ako at ibinato ng marahan sa kanya ang bola. ''Ngayon lang kita nakita dito, dayo ka no?''

Tumango ulit ako.

''You're lucky. You run into me and not with some random guys. Dami pa namang gago ngayon."

Again.Tumango lang ulit ako.

When suddenly, he tilted his head and arched his brow. ''Are you mute?''

Sa pagkakataong iyon ay umiling na ako. I don't want to talk. I just want to keep silent. Pakiramdam ko, sa ras na bumuka ang bibig ko, mawawalan ako ng control sa aking emosyon. And I would end up crying like a pathetic weak girl again.

''Oh, let me guess? Naglayas ka?"

Hindi pa rin ako umimik. Until he walked towards me and sat on the other swing. Gamit ang paa niya ay idinuyan niya ang sarili. And so I did mimicked his move.

And then a cold wind blows on my cheek. Sabay kaming napatingala sa makulimlim na kalangitan.

''LQ kayo ng boyfriend mo?''

Manghuhula pa ata ang lalaking ito. Paano niya kaya nalaman, wala sana akong balak na kumpirmahin ang tanong niya, but I found myself talking to him. ''He lied to me." I clenched my fist as the familiar wave of pain, rushed on my chest. Hindi ko parin mahagilap ang katanungan sa isip ko, kung bakit.

''What do you mean he lied to you?'' Tumigil siya sa pagduyan.

''I asked him, kung may contact pa ba sila ng ex niya. He said wala na. Then just a minute ago, I saw them coming out from a clothing boutique kasama ang mga Parents nila."

Why does it have to be this painful? I felt like I was stabbed a hundred times on my chest.

Nagbuga ako ng hangin upang lumuwag ang aking dibdib. Pakiramdam ko, ang bigat bigat.
"You know, usually I don't give a shit to other people's shenanigans, but then, since mukha ka ng iiyak anytime. Piece of advice. Before you decide to do something, always remember that every story has a different side. Wag kang bumase sa iisang anggulo lang."

I looked at him and I found him smiling. Saka ko lang naisip, he's a complete stranger to me! Yet, here I am! Almost spilling my love life's problem!

"Stop, frowning. Nagmumukha kang nakakatakot nyan eh." Ngumiwi siya sa akin.

''Who are you anyway? I don't even know your stupid name."

"Wow!" Napapalatak siya at napailing. "Parang kanina lang mukha kang maamong tupa, ngayon Tigre kana?" Tumikhim siya bigla at parang tangang inayos iyong buhok niya. "Well my bad. Though, anyways, I am Chase."

I look at his hands. I didn't shake it but I tapped it using my own hand. "Azula."

"Whoa!? Azula?! As in, Azula of the Fire Nation?" he grabbed my hand and shook it wildly. Baliw pa yata ito. "Nasaan si Soka? Si Katara? Eh si Aang?"

"May sayad ka ba–Shit!"
Iyong kaninang ambon ay tuluyan naging ulan, at bumuhos na talaga. Napakaripas kami ng takbo, ngunit kung mamalasin ka nga naman wala kaming mahagilap na sisilungan! At lalo lang lumala ng hatakin ako ni Chase sa gitna ng court at marahang binato ng bola.

Cali's Queen (Completed) EDITINGWhere stories live. Discover now