CQ-26

24.8K 607 31
                                    


His Queen 26

------------------

"Christmas Ball again?"

Hindi pa ba nagsasawa ang mga lamang dagat at hunyangong estudyante sa Unibersidad na ito, sa walang kamatayang Christmas Ball na iyan? Noong first year namin, Christmas Ball.  Noong second year, ganun padin. Ngayong third year, eto na naman?!

"Eh, majority kasi Pres." Nagkamot ng ulo si Keiki.

"Dapat na ba akong magbitaw as SC President,  Keiki?" Namilog yung singkitin niyang mata. "Mukhang ga graduate akong puro Christmas Ball nalang ang mararanasan ko dito sa punyetang University na ito." Inilipat ko sa second page ang voting sheet. Para lalo lamang manlaki ang mga mata ko. "What the fuck! Keiki Asakura! Princess Frill Masquerade?! Sinong lamang dagat ang nag suggest ng motif na ito?"

"Hindi kami, Pres!" Nahihintatakutang chorus
nilang lahat. "Promise po!"

Frustratedly, i combed my hair using my hand. Even if I have to disapprove their fvcking idea, wala akong magawa. Majority wins, punyeta. "Ano pa magaawa ko? Settle everything Kei. Venue, food, guest, music, all things kahit na maliit basta i need every details about that stupid Ball."

"Copy, Pres!"

------------

I am walking alone towards the Dean's Office, when i saw Morgianna walking towards me . Alone.

Hindi ko mapigilang titigan siya. Nakasuot siya ng uniform namin. Although, alam kong matagal na siyang nag transfer dito, noong unang beses pa lang na nakita niya kami ni Cali sa open field. Isang araw lang yata ang lumipas at nalaman kong nag transfer na nga siya dito. Maybe because of Hidalgo.

"Good morning, Pres." Politely, she greeted me. At dahil mabait ako kahit gusto ko siyang irapan, hindi pwede. So tumango na lamang ako at nilampasan siya. "Pres."

Lumingon ako at bahagyang nagtaas ng kilay.

"I just wanted to ask, kung may maitutulong ba ako sa paghahanda for the upcoming, Christmas Ball?"

"Why do you wanted to help?"

She shrugged her shoulders. "I'm kinda bored. And, don't worry hindi ako mangingialam sa mga plans niyo. Tutulong lang talaga ako."

Saglit akong napaisip, well, there's nothing wrong kung tutulong siya, usually naman talaga nangangailangan kami ng tulong sa ibang estudyante kapag ganitong mga events.

"Okay." At tumalikod na ulit ako sa kanya. Sasabihan ko nga sina Keiki na pahirap--"Ano ba?!"

"Thank you, Pres!"

"Get off me, baka maging higad din ako gaya mo." Parang tanga kailangan pa bang yumakap sa likod? Ano tingin niya sa akin? Fanatic ng Koreanovela? Piggy back ride? Humiwalay naman din siya at patakbong kumaway sa akin. Tss...

Kahit magpaka Santa siya sa akin, isa paring malaking Higad ang tingin ko sa kanya.

--------------

Past one pm.

Nasaan na iyong talipandas na Hidalgo na iyon? Hindi ba klaro sa kanya na sabay kaming mag lunch? Minsan talaga medyo tanga iyong lecheng iyon eh. Sumulyap ulit ako sa wristwatch ko. Buisit! Bahala siya kung di siya pupunta, alangan namang gutumin ko ang sarili ko.

I walk towards the cafeteria and open the glass door. "Bitch!" Lumipad ang tingin ko sa isang estudyanteng babae na halos maging kamatis na ang mukha sa sobrang pula niya. Mukha siyang nasobrahan sa maxi peel. Nawala ang ingay sa loob at parang mababait na batang nagbalikan sila sa kanilang mga upuan. Except doon sa babaeng isinubsob sa Maxi peel. Nakatayo ito sa harap ng isang babaeng may platinum blonde na buhok, na prenteng nakaupo at nakasandal sa kanyang upuan. May dalawa namang minions pa ang nakahawak doon sa babaeng nagwawala.

Cali's Queen (Completed) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon