CQ-30

23K 589 22
                                    




His Queen 30

Eiji's Birthday Party will start at 7pm. Pero ala-sais na wala padin si Hidalgo. I told myself that I'm going to talk to my Father, yet I don't know where to start.

"Wala pa ba si Cali?"

"Late lang siguro Ma." Tumitig ako sa mga kuko kong bagong manicure. I'm not a fan of fancy bracelets, earrings and necklace. Ngunit dahil gusto ni Hidalgo na isuot ko ito, i have no choice. Siya nga naman ang bumili. Naramdaman kong umupo si Mama si tabi ko.

"May problema ba ang dalaga ko?" Ganon ba ako ka-obvious? Huminga ako ng malalim at pinagsalikop ang mga kamay ko.

"Zayn kissed me, Ma. And I don't know kung sasabihin ko ba kay Cali o hindi." Nilingon ko si Mama. Bahagyang nakaawang ang bibig. She took a deep breath too.

"I think...You should tell him. Mas masasaktan siya kung sa iba pa niya maririnig besides, hindi mo naman siguro hinalikan pabalik si Zayn, hindi nga ba?"

"Of course hindi, Ma!" Never.

"Then tell him, kung magalit siya, accept it. Kung talagang mahal ka naman niya maiintindihan ka niya. Lalo na at hindi mo naman ginusto ang nangyari."

Nakarinig kami ng busina sa labas. Humalik na ako sa pisngi ni Mama.

"Mag-enjoy ka sa party." Tumango na lamang ako at naglakad palabas, bitbit ang purse ko.

"Ma..."

"Hmn?" She smiled at me.

"Can you...Can you talk to the Old Man." Kinagat ko ang aking labi. "That I wanted to talk to him." Agad akong tumalikod at hindi na inantay si Mama na magsalita. Alam ko namang masaya siya.

I can't help to smile knowing that Cali is already here. Nakakainis, namiss ko talaga ang gago. Sinara ko ang gate at pinalis ang ngiti sa labi, baka sabihin niya patay na patay ako sa kanya. Choosy nito, hindi pa bumaba ng kotse niya ah.

Kakatukin ko na sana ang bintana ng kotse ng bumukas ang pinto sa driver side.

"Sven?"

"Yo, Pres?" Nagsalute pa siya sa akin. Where is Cali? "Kung hinahanap mo ang gagong si Hidalgo, male-late daw siya."

"Bakit?" Hindi ko mapigilang mapakunot noo. Sabi niya siya ang susundo sa akin.

"Magkasama sila ni Morgianna eh, ang alam ko naunang umuwi si Cali. Tapos si Gia, kanina lang siyang 5pm umuwi. And siguro siya ang sumundo at maghahatid kay Gia pauwi."

"Ah..." Hindi na ako umimik pa. Although, naramdaman kong uminit ang sulok ng mga mata ko. Binuksan ko ang pinto at sumakay na sa kotse.

Si Morgianna na naman pala.

--------------

Iyong minuto na pagka-late ni Cali ay umabot ng halos isang oras. Kahit pa sabihing mabuti nalang at hindi nagstart sa tamang oras ang party ni Eiji. And would you believe? He just kissed me on my cheeks and run towards Eiji?

But it's okay.

Birthday naman ni Eiji at talagang halos ilang linggo narin silang di nagkikita. Mag-isa akong nakatayo sa sulok habang umiinom ng cranberry juice.

"Hi! Pres!" Lauren stop infront of me.

I eyed her from head to foot. Then on her belly, tumagal doon ang tingin ko.

Cali's Queen (Completed) EDITINGWhere stories live. Discover now