CQ-38

21.7K 664 93
                                    


His Queen 38

------------------------------------

"You okay?"

Marahan akong tumango at nanatiling nakasandig sa upuan ng sasakyan niya. "I'll be okay. Kaya ko ito." Kakayanin ko ito, kahit hindi ko alam kung paano.

"Just call me okay? Pupuntahan agad kita."

Nilingon ko siya at nginitian. "Hindi ka paba aalis ng bansa?"

Umiling-iling siya sa akin. "Not with your current situation. Kapag okay kana, siguro."

Tumango ako at bumaba na ng sasakyan niya, I waved him goodbye.

Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko si Mama na nakaupo sa sala. Salubong ang kilay at mukhang inaantay talaga ako.

"I heard what happened to you earlier on the University, Quinn Azula." Nilingon ako ni Mama. "Ano bang nangyayari sa iyo? Ikaw daw ang nagpasimula ng gulo?"

"Pagod po ako." Nagtuloy ako sa hagdan,ng magsalita ulit si Mama.

"Dahil ba kay Cali? Dahil ba wala na kayo? Dahil lang sa lalaki, Azula?" Aniya sa akin.

"You don't anything Ma! Wag niyo akong kuwestiyunin sa tonong akala niyo ay napakababaw ko dahil nagkakaganito ako, dahil lang sa isang lalaki!" Tumalikod akong muli at umakyat ng hagdan. Pagod na pagod na ang isip ko. Hindi ko na alam kung anong uunahin kong isipin. Hindi ko na alam kung anong uunahin kong resolbahin.

Naupo ako sa kama ko at sinapo ang aking mukha. Anong nangyari? Bakit nagkaganito? Bakit humantong kami sa ganito?

Go fvck with any guys you want, I don't care anymore.

Muling tumulo ang luha ko. Does he really think, na ganun ako ka cheap? Wala ba siyang tiwala sa akin?

Nahihirapan na,
Ang aking isip
Nauubusan na,
Ng sasabihin sa iyo.
Nanlalamig na ba,
Ang pagibig mo sa akin?
Giliw...

Kung ayaw na niyang lumaban, ako any lalaban para sa kanya.

Agad akong nagtype ng text para sa kanya.

En, mag-usap tayo. Please, wag mo naman akong parusahan ng ganito.

I hit send.

Lumipas ang ilang segundo, ngunit wala along natanggap sa kanya. Dati rati, isa pa nga lang ang text ko lima na ang reply niya. Pero ngayon ni isa...

Pinahiran ko ang mga matang nanlalabo dahil sa luha.

En, please... Wag mo naman akong iwan ng tuluyan.

Muli akong naghintay. Crossing my fingers that maybe he will remember his promise that he won't leave me. Ever. Ngunit ang segundo ay naging minuto, hanggang naging oras.

Gaya kanina, wala akong natanggap na sagot. Last text Azula. Kung hindi na siya magreply. Tumigil ka na. kalimutan...

Nalilito ako,
Nais kong sagipin ang ating
Nalulunod na pagibig,
Ngunit, handa akong palayain ka
Kung ito ang iyong hiling
Gaano man kasakit sa akin.
Ibibigay sa'yo.

Humiga ako sa aking kama, habang panay ang tulo ng luha. Dati rati, kapag nag-aaway kami hindi lilipas ang isang araw, makikita ko na siyang naghihintay sa akin. Kung hindi sa labas ng University, sa labas ng bahay namin.

Cali's Queen (Completed) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon