CQ-36

20.1K 622 99
                                    

His Queen 36

-------------------------------

"Cali..."

"Sabihin mong hindi ikaw ito!" He looked at me, bakas ang galit sa mga mata niya. "Just tell me this is not you, at maniniwala ako." Desperadong sabi niya sa akin. Should I lie? Pero maniniwala ba talaga siya?

No. I won't lie to him. I don't want to live in lies, I don't want to live in temporary hapiness that made by lies.

"Tell me, Queen. Hindi ikaw ito. Di ba?" He  cupped my face at pinakatitigan ako sa mata. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan at pilit sinantabi ang takot.

"It's me." Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang kanyang bibig. "But it's not what you think! Hinalikan ako ni Zay---"

"Kaya nakipaghalikan ka sa kanya!" Morgianna cut me off. "Hindi lang kay Zayn! Hindi lang sa isang Professor, pati kay Break na pinsan niya mismo!"

Umatras si Cali palayo sa akin, and that very moment alam ko na ang resulta ng ginawa kong pag-amin sa katotohanan. Rinig ko ang bulunga sa paligid, ang mga panunuya. Ng lingunin ko ang mga naroon ay halos lahat sila nakatitig sa akin.

Titig na puno ng pandidiri.

"En..." I tried to step closer to him, ngunit ilang beses siyang umiling at nag-unahan ang luha sa mga mata niya. Oh God! He's crying! "En, please...Hayaan mo akong magpaliwanag."

"Bakit? Bakit Azula?" Pagak siyang tumawa at tumingala. "Putang ina! Bakit Azula!?" Halos mapatalon ako sa pagsigaw niya. Inisang hakbang niya ako at mahigpit na hinawakan sa magkabilang braso.

"En, please!" Nalasahan ko ang luha sa aking labi. Umiiyak narin pala ako.

"Bakit?! Anong kulang sa akin?! Anong mali sa akin!? Anong wala sa akin!? Kailan mo pa ako niloloko ha!?" Para akong manika na niyugyog niya ng ilang beses.

"Kahit kailan, hindi kita niloko!" Humikbi ako at tuloy tuloy na umiyak. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niyang punong puno ng galit at pagkamuhi. Ng pandidiri, ng hinanakit. "Kahit kailan hindi ko magagawa iyon!"

"Pero ginawa mo na! You fvcking lied to me! You cheated on me! You cheating bitch!" Kasabay ng sigaw niya ay pagbagsak ko sa sahig, dahil sa pwersa ng pagyugyog niya sa aking magkabilang braso.

"Malandi!"

"Social climber pala iyan!"

"Babaeng makati."

Gusto kong mabingi sa mga naririnig kong masasakit na panghuhusga. Sa mga ibinabato nilang salita. Hindi pa man ako nakakahuma ay gulat akong napapitlag dahil sa malamig na likidong bumuhos sa akin.

Binuhusan pala ako ni Morgianna ng alak.

Nanlisik ang mga mata ko sa galit. How dare her! Akma akong tatayo para sugurin siya ng iharang ni Cali ang sarili niya at itago si Morgianna sa kanyang likod.

Doon palang, para bang nilipad na ng hangin ang lahat ng tapang sa katawan ko. Bakit? Unti-unti kong naramdaman ang sakit sa dibdib ko.

"Leave..." And he gave me a disgusting look. "Leave!"

At tuluyan na talagang nawasak ang puso ko.

"Umalis ka na Azula." Matigas na wika din ng Papa niya. Gusto ko mang umalis ay hindi ako makagalaw. "Umalis kana! Hindi ka nababagay sa anak ko! Social climber!"

And then I felt his hand on my wrist, kinakaladkad ako palabas ng Mansion. Hindi ko napigilang lingunin si Cali, sabi niya hindi niya ako papabayaan. Pero wala, nakatungo lang siya habang nasa likod niya si Morgianna.

Cali's Queen (Completed) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon