PF: CHAPTER 39

144 7 1
                                    

Jaye (see on multimedia side) ->

Hihintayin kita

Khrysha's POV

"Babe kamusta ang exams? Pasado ba lahat?" Pasimple pa niyang hinaplos sa braso si Benedict. Nakakainis! Gagawa na nga lang ng karumal-dumal na gawain sa harap ko pa. Hello, nandito ako sa harapan nila.

Katatapos lang ng exam namin kaya dumiretso kami sa MOA. Icecelebrate raw namin ang pagkapasa naming lahat. Napagbotohan na kakain kami sa Greenwich. At sa kamalas-malasan nga naman iniwan nila ako kasama ang dalawang love birds dito.

"Oo naman babe inspired ako sa'yo eh." I rolled my eyes. Ang corny masyado ng tawagan pwede namang pangalan na lang nila.

Nanlaki ang mata ko dahil sa pagyakap ni Angel kay Benedict. Letsugas! Talaga bang kailangan pang ipamukha nila sa'kin kung ga'no sila ka-sweet? Agad naman akong napaiwas ng parehas silang napatingin sa'kin.

"Nandiyan ka pala. Ba't kasi hindi ka nagsasalita?" Kita mo 'tong babaeng 'to. Sarap ibalibag sa lamesa eh. Nanggigigil akong ngumiti sa kanilang dalawa. Bwiset na 'yan gusto kong tanggalin ang braso niya sa braso ni Benedict. "Oo nga 'no nandito pala ko. Sorry ha?"

Hindi ko na talaga matiis kaya iniwan ko silang dalawa do'n. Maglambingan sila buong magdamag kung gusto nila. Sa lahat ba naman kasi ng pwedeng iwan sa'kin bakit sila pa? Hinanap ko na lang sa counter kung nasaan ang barkada. Naglalakad pa lang ako sa malayo nakikita ko na sila. Sino ba namang hindi makakapansin sa kanila eh ang dami-dami nila?

"Ano ba kasi Stephen! H'wag ka ngang magulo! Ang gusto ni Khrysha pizza!"

"Maria ilayo mo nga 'yang jowa mo sa'kin! Ang gusto ni panget ako!"

Dali-dali akong naglakad sa kinatatayuan nila. Agad ko namang binatukan si Stephen. Kahit kailan talaga masyadong confident sa sarili. Magsasalita pa lang sana sila pero pinigilan ko na sila. Papaulanan lang nila ako ng mga tanong tungkol sa dalawa.

"Kailangan daw nila ng babe time kaya iniwanan ko." Nagkibit-balikat ako habang sila naman pinaningkitan ako ng mata. Ano bang ginawa ko? Gusto ba nilang pagbalik nila wala na kong pulso? Nakaka-suffocate kaya silang kasama.

Hindi na nila ako pinansin dahil balik nanaman sila sa pagtatalo nila kung ano ang oorderin. Nakakahiya rin minsan kasama 'tong mga 'to pero masaya naman kahit papaano.

Nabigla ako nang may humigit sa kamay ko papalayo sa counter. Si Jaye lang pala. Pabalik na kami sa puwesto namin pero parang ayoko pa. Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya. Umiling ako sa kanya at alam kong naiintindihan niya kung ano ang ibig kong sabihin. Lumapit siya sa'kin saka ako inakbayan. Akala ko pa naman ilalayo niya ko.

"I'm scared Jaye." Hinawakan niya ang kamay ko at iginaya ako palabas ng Greenwich. One thing I love about Jaye, hindi niya ako kayang tiisin. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa ginawa niya. Napahawak na lang ako sa noo ko nang pitikin niya ko. Natatawa akong minasahe ang nakakunot niyang noo gamit ang isa kong kamay dahil ang isa ay hawak-hawak niya pa rin hanggang ngayon.

"Why are you smiling?" seryoso niyang sabi. Imbes na mag-seryoso tinawanan ko lang siya. Ayoko siyang magseryoso dahil hindi ako handa sa mga puwede niyang sabihin.

Niyaya niya kong pumunta ng seaside kaya doon kami nagpunta. Naglakad-lakad kami habang magkahawak pa rin ang kamay. Wala na nga ata siyang balak bitawan ang kamay ko. Okay lang naman sa'kin best friend ko naman siya.

"Waaahh! Mommy!" Agad akong lumapit sa bata na umiiyak. Lumuhod ako para mapantayan siya. Iyak siya nang iyak habang tinatawag ang Mommy niya. "Shhh baby. Tutulungan ka ni ate na mahanap ang Mommy mo." nakangiti kong sabi habang hinahaplos ang mahaba niyang buhok. Tumigil naman siya sa pag-iyak saka ako niyakap.

"Talaga po ate?" Tumango-tango ako. Hinawakan niya naman ang kamay ko at ang kamay ni Jaye. No'ng una nilalayo pa ni Jaye ang kamay niya sa bata pero kalaunan pinahawak niya na rin kung hindi lang muntikan ng umiyak ang bata.

Panay ang takbo ng bata kaya pati kami napapatakbo na rin. Natatawa na lang kami ni Jaye kapag pinipigilan namin siya. "Minions!!" sigaw niya at tumakbo papunta sa nagtitinda ng balloon. Agad naman namin siyang pinuntahan. "Minions! Minions!" panay ang sigaw niya habang tumatalon.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Hanggang dito ba naman siya pa rin? Nakatingin ako sa bata habang hawak-hawak ang balloon na binili ni Jaye. Tuwang-tuwa pa siya habang nagkukwento ng tungkol sa Minions.

"Ano nga palang pangalan mo baby?" Kinarga ko siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Puwede ka ng mag-asawa." Napatingin naman ako kay Jaye habang natatawa. "Basta ako ang asawa. BOOM!"

"Tigilan mo ko Jaye! Ang corny mo! Hahaha."

"MOMMY! MOMMY! MOMMY!"

May lumapit sa'ming babae na nasa mid-20's at kinuha si baby girl. Kung ano-ano pang narinig kong panenermon pero sa huli napaiyak na rin siya. "Aww!" Sumandal ako sa balikat ni Jaye pero agad din akong lumayo dahil sa binulong niya. Sabi niya gusto niya raw ng baby boy at baby girl. Ang abno lang.

"Thank you sa inyo. Kung hindi siguro dahil sa inyo baka hindi ko na nakita ang alaga ko. Maraming salamat iha, iho."

"Wala pong anuman." sabay naming sabi ni Jaye. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya. Naputol lang nang tumawa ang babae. "Ang cute niyong tignan. Kayo ba?"

"Opo/Hindi po." Pinalo ko siya sa braso dahil sa pagsagot niya ng opo. Saka ko napagtanto ang sinabi ng babae. Alaga? Ibig sabihin hindi siya 'yung Mommy? Pero bakit tinawag siyang Mommy?

"Kaano-ano niyo po si baby girl?"

Nawala ang ngiti sa labi ng babae. Pinagmasdan niya si baby girl saka malungkot na tumingin sa'kin. "Isa siya sa mga bata sa orphanage. Ako na ang tumatayong magulang niya simula ng iwan siya sa'min."

Nakaramdam ako ng lungkot. Swerte pa rin talaga kami dahil nakilala namin ang magulang namin at nakakasama namin sila. Ang bata-bata niya pa para iwan.

"Kesha po ate." sabi niya pagkalapit ko pa lang sa kanya. Hindi ko na natiis at pinisil ko na ang pisngi niya. Ang cute cute niya. Mukha siyang barbie doll.

"Alam mo baby Kesha may kilala akong mahilig sa Minions. Sa susunod ipapakilala kita sa kanya. Bibisitahin kita sa inyo at isasama ko si kuya Benedict. Okay ba 'yon?" Muli ko siyang niyakap. Binigay sa'kin ng babae ang address nila bago sila tuluyang makaalis.

"Kahit na ako ang kasama mo siya pa rin pala ang nasa isip mo." sarkastikong sabi niya ng hindi nakatingin sa'kin.

Lagi na lang akong tumitiklop kapag siya na ang pinag-uusapan. Ano ba ang dapat kong sabihin?

Humarap siya sa dagat habang ako nakatitig sa kanya. Kailan kaya darating 'yung panahon na wala na kong masasaktan?

"I hate myself begging for your love."

"I love you Jaye. Alam mo 'yan."

"As a friend Khrysha. As a best friend..."

"I'm sorry. I'm really sorry... Patawarin mo ko kung wala akong ibang ginawa kundi saktan ka."

"I already forgive you even if your not asking for it. I forgive because I love you. I should be happy for you even if that happiness no longer includes me."

"KHRYSHA! JAYE!" Nabaling ang atensyon ko sa buong barkada na papalapit sa'min. Hinanap ng mata ko sina Benedict. Hindi ko mapigilang hindi mag-isip. Should I give up? Sa nakikita ko kasi masaya na sila sa piling ng isa't-isa. Guguluhin ko pa ba? Bagay naman sila, perfect match ika nga nila. Ako na lang naman na ang mag-isang lumalaban.

'I wanna go back to the way we used to be. I wanna ask you why you left me? Dropping me with no reasons? You wanted a life without me? Fine.'

"I'm always waiting Khrysha... Kahit sirang-sira na ang puso ko hihintayin kita."

Jaye, bakit ka ba ganyan? Hirap na hirap na ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Pa-Fall Where stories live. Discover now