PF: CHAPTER 27

3K 114 29
                                    

I'm sorry for the pain

Khrysha's POV

“Bear okay ka na ba?” nag-aalalang tanong ni Queenie. Umiling ako at binigyan siya ng pekeng ngiti. Ilang araw na rin ang nakalipas pero ‘yung sakit ayaw pa rin umalis. Ayoko ng balikan ‘yung mga nangyari no’ng swimming kasi hindi naman karapat-dapat na alalahanin pa. Lahat lang pala ng ginawa niya puros kasinungalingan. Palaging pumupunta rito si Benedict pero lagi ko lang siyang pinagtataguan. Pagkatapos niya akong ligawan makikita ko na magkasama sila ni Angel. Hindi ko rin sinasagot mga tawag at text niya, eh ano bang paki niya? Doon siya kay Angel manligaw. Wala pa nga siyang 2 weeks na nanliligaw nanloloko na siya. Isa nanaman ba sa mga trip niya? Pwes hindi ako natutuwa, nasasaktan ako. Pagsisisihan niya ‘tong ginagawa niya sa’kin.

“Bear una na ko. Bye.” Niyakap ako ni Queenie.

“Bear masyado ka pang bata. Sige na, bye. Ingat ka maraming rapist diyan.”

Binato ko ang sarili ko sa kama. Pagkabukas ko ng notification ko sa Facebook nagulat ako-- the fuck! Napamura ako sa isip ko.

Daryl Balbino sent a photo.

Ngagulantang ako sa nakita ko. Ang sakit nanaman ng puso ko. Palagi na lang niya ko niloloko. Liligawan ako pero may girlfriend na pala siya. Arrgg! Kung kailan handa na naman akong sumugal. Dapat talaga hindi ko siya pinaniwalaan na gusto niya ko. Pinakilig lang pala ako ng gunggong na ‘yon tapos iiwanan din ako kaagad. Gusto ko siyang murahin at sampalin hanggang sa matanggal ‘tong sakit na nararamdaman ko.

A picture of him with Angel's family, and they're happy.

Lakas ng loob niyang i-block ako. Gano’n ba ko kadaling paglaruan?

"KHRYSHA!!" Nagulat ako sa biglaang pagpasok ni Kiana sa kwarto. Walang katok-katok. Sinamaan ko siya ng tingin. Palagi niya kasi akong kinukulit na mamasyal kami kaso tinatamad ako.

"Dali na kasi Khrysha! Bibili kasi ako ng panregalo. Magbabagong-taon naman na eh!" At nakuha niya pang magpacute sa’kin. "NO!" matigas kong sabi. "Huhuhu dati naman mas excited ka pa sa’kin na pumuntang mall. Ano ba nangyayari sa’yo babaita? Si Benedict nanaman ba? Ooppps--" Napantig naman kaagad ang tainga ko nang marinig ko ang pangalan niya. Pinagbabato ko siya ng unan pero ilag lang siya nang ilag.

"If I know takot kang makita siya o makasalubong man lang siya. Tsk. Poor bessy. Move on na kasi." Aba't! Hindi ba talaga siya titigil?

Babatuhin ko na sana siya ng alarm clock eh. “Peace. Hehehe." She mouthed.

Nauna akong naglakad palabas nang mapansin kong nakatingin lang siya sa’kin na para bang hindi niya aakalain na sasama ako. "Tara na! Akala mo ba may mag-aappear na regalo diyan? ‘Pag nagbago isip ko maghanap ka ng kasama mo sa tabi.”

“Sungit.” pabulong niyang sabi sa’kin at sinukbit ang kamay niya sa braso ko saka ako hinila.

Mas maganda na rin siguro ‘to nang ma-focus ang isip ko sa iba hindi ‘yung puros siya na lang. Dapat matanggal siya sa isip ko. Hindi siya worth it isipin. Napabuntong hininga na lang ako.

Oo tama! Inii-stress niya lang ako. Mas lalo niya lang ako pinapa-pangit. Aish! "Tama na yang pag-iisip mo sa kanya." bulong ko sa sarili ko sabay bunto--- "KHRYSHA!!" What the fudge! Ang sakit sa tainga. Inalis ko ang kamay niya na nakasukbit sa braso ko at sumakay sa kotse.

******

"Ito! Bagay ‘to sa kanya. Magugustuhan niya kaya ‘to?" Tumango-tango na lang ako sa kanya. Nakakapagod kasama ‘tong babaeng ‘to. Ang daming gustong puntahan. Kanina pa kami palakad-lakad. Wala siyang ibang ginawa kundi magtingin nang magtingin ng mga damit. Tinakasan ko siya at dumiretso sa Jollibee. Para naman kapag nilibot namin ang buong mall eh hindi ako magutom.

Nakapila na ako sa counter nang may mahagip ako sa peripheral vision ko. Nanlaki bigla ang mata ko at hindi ako mapakali. Tinanggal ko ang tali ko. Nilagay ko sa side ang buhok ko para hindi makita mukha ko.

"Kainis naman oh! Ba't dito pa?!" bulong ko sa sarili ko . Sa dinami-raming fast food chain ba’t dito pa sila pumunta. Kaasar naman. Malapit na sila rito sa kinatatayuan ko. Nakita kaya nila ako? Nakatungo lang ako habang nakapila. Hindi ko sila magawang tignan dahil sa oras na mangyari ‘yon baka hindi ko mapigilan sarili ko.

Ibubuka ko pa lang ang bibig ko nang may sumigaw ng pangalan ko kaya nilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Kiana habang kumakaway. “Sorry po.” Agad akong umalis ng counter. Nasa tabi lang ni Kiana ang table nila Benedict at Angel. Mabilis akong naglakad para hilain si Kiana sa labas.

Pa-Fall Where stories live. Discover now