PF: CHAPTER 29

4.7K 124 74
                                    

Chance

Khrysha's POV

Nasa tapat na ko ng classroom pero hindi ko pa magawang pumasok. Nakakahiya talaga 'yung itsura ko ngayon. Mukha akong zombie. Ang laki ng eye bags ko. Kasalanan 'to ni Stephen eh. Hindi ako nakatulog kakaisip.

Papasok pa lang ako nang may magsalita mula sa likuran ko. "Musta ang date niyo ni Stephen kagabi? Anong feeling?" I smiled to him. Bakit niya tinatanong? Bakit niya gustong malaman? Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ko na "I'll make him jealous." Mata sa mata ko siyang tinignan. 'Yung mga matang dati sa'kin lang nakatuon. 'Yung mga matang nakakalunod.

"Ano bang paki mo? Infairness ang sweet ni Stephen hindi katulad ng iba diyan." Humakbang ako ng kaunti sa kanya at tumingkayad, "Siya 'yung nag-iisa kong glue." Muli ko siyang nginitian at dumiretso sa upuan katabi ni Stephen.

Nagpakawala ako nang mabigat na buntong hininga. Akala ko kaya ko na siya harapin pero hindi pa pala. Kung ano 'yung tibok ng puso ko simula no'ng una gano'n pa rin hanggang ngayon. Inihiga ko ang ulo ko at pumikit.

"Hey!" Panay ang kalabit sa'kin pero hindi ko 'yon pinapansin dahil babagsak na ang mga mata ko.

Nagising ako dahil sa sigawan ng mga kaklase ko. Nag-uunat pa ko nang maramdaman kong may bumato sa'kin ng sipa. Papunta pa lang ako sa direksyon nila, palapit na siya sa'kin. Nilagpasan niya ako at kinuha ang sipa. Hindi man lang nag-sorry sa'kin. How nice!

"Bukas may practice tayo sa Open space. Um-attend kayong lahat kung ayaw niyo mawalan ng grades. 'Wag kayong mga paasa!" Umiling-iling ako habang nakangiti. Kahit kailan talaga 'tong lider namin. Hindi mawawalan ng hugot.

"H'wag daw paasa!" Pagpaparinig sa'kin ni Stephen habang sumisipol-sipol.

Akala niya ba nakalimutan ko na 'yung ginawa niya sa'kin pwes hindi. Dahil sa kanya mas lalong lumaki ang eyebags ko. Dahil sa mga corny at cheesy lines niya hindi ako nakatulog. Kung inaakala niyang tulog ako nang sabihin niya iyon pwes hindi. Gising na gising ako!

*****
Pagkabalik ko sa upuan ko nagningning ang mga mata ko sa nakita ko. "MENTOS! WAAHH!" Tuwang-tuwa kong kinain 'yon. Kapag nakakakita ako ng mentos hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Lagi kong naaalala 'yung mga ngiti ni Mr. Mentos.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang dumating si Daryl. "Girl mentos! At sino naman kaya ang nagbigay niyan sa'yo? Iba ka na ha!"

Halos lahat ng mga humihingi sa'kin hindi ko binibigyan. Selfish ako. Ang akin ay akin lang dapat. Umuwi ako sa bahay nang may ngiti sa labi. Sobra ang pasasalamat ko sa nagbigay ng Mentos. Lahat ng mga pinagbalatan ko ay inilagay ko sa isang jar.

Tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha mula sa palda ko at binasa ang text.

From: Mark

Khrysha bebe~~ Natanggap mo ba 'yung Mentos kanina? Ikaw ah! Hindi ka lang pala sa'kin baliw. Nagseselos ako. Huhuhu 😭

Tawa ako nang tawa sa nabasa ko. Kahit kailan talaga 'tong si Mark. Kahit na lagi ko siyang sinasaktan heto pa rin siya nasa tabi ko. Gusto ko siyang pasalamatan ng harap-harapan para malaman niya kung gaano talaga ako ka-thankful.

*****
Pagkarating ko sa Open space kaunti pa lang sila. Wala pa ang buong barkada maliban kay Jaye. Papunta na sana ako sa kinakatayuan niya nang kausapin siya ni Benedict. Umatras ako at lumapit na lang sa iba kong mga kaklase.

Pa-Fall Where stories live. Discover now