PF: CHAPTER 31

306 18 6
                                    

I like you

Khrysha's POV

"Jaye ang sakit pala talaga kapag siya na mismo bumitiw 'no?" Pinipilit kong huwag umiyak sa harapan ni Jaye. Sawang-sawa na ko umiyak, pagod na pagod na ko. Pero kahit anong diin ng kagat ko sa labi ko kumakawala pa rin ang mga luha ko. Napatakip na lang ako ng mukha ko habang humihikbi.

Tumayo sa harapan ko si Jaye at niyakap ako nang mahigpit. "Hindi ka pa ba napapagod?" Kung alam niya lang na ilang band-aid na ang nagamit ko para ayusin ang puso kong sirang-sira na. Ginantihan ko siya ng yakap. Saglit na gano'n ang posisyon namin hanggang sa gumaan na ng tuluyan ang pakiramdam ko kahit papaano.

Pinunasan niya ang mga natitirang luha sa aking pisngi saka pinitik ang noo ko gaya ng nakagawian. Imbes na magalit ay nagtawanan kaming dalawa. Hindi ko namalayan na lumalalim na pala ang gabi.

"Matulog ka nga ng maaga. Tignan mo 'yang mukha mo ang rami ng pimples." Tinutusok-tusok niya pa 'yung noo ko na may pimples. Tumingkayad siya nang maramdaman niyang pipitikin ko ang noo niya. Tawa ako nang tawa habang tumatalon at pilit na pinipitik ang noo niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at seryosong tumingin sa'kin. Hirap akong lumunok at saka tinignan siya pabalik. Magsasalita pa lang sana ako nang hilain niya ako palapit sa kanya.

"Pwede bang humingi ng chance?" mahina niyang sabi. 'Yung mga mata niyang nagmamakaawa. 'Yung mga mata niya na umaasa. Umiwas ako ng tingin. Dahan-dahan akong bumitiw sa yakap niya. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti sa kanya ng malungkot.

"Jaye sorry..." Ayan lang nasabi ko at pumasok na ng bahay. Napasandal na lang ako sa pinto at sinilip siya sa bintana. Para akong nakokonsensya sa ginawa ko. Nagtatalo ang isip at puso ko kung bibigyan ko siya ng chance pero buo na talaga ang pasya ko. Mahal ko siya, oo. Pero bilang best friend lang.

May dala-dalang plato si kuya nang dumaan siya sa harapan ko. "Hindi ka mahal no'n." pahabol nitong sabi bago umalis papalayo.

Oo na! Hindi niya na ko mahal! Padabog akong pumasok nang kwarto at tinapon ang mga gamit ko kung saan-saan lang. Nahiga ako sa kama at matagal na tumitig sa kisame. Kinuha ko ang phone ko sa bag at nakita kong tumatawag si Stephen.

[Panget...]

[Oh?] Narinig ko ang mabigat na pagbuntong-hininga niya pagkasabi ko no'n.

[Sorry naistorbo ata kita.] Halata sa boses niya ang pagkalungkot. Ilang beses ko ring narinig ang buntong hininga niya. Mahigit limang minuto na pero hindi niya pa rin binababa.

[Panget buhay ka pa?] May halong biro na tanong ko sa kanya.

[Sa boses mo na 'yan sinong hindi mabubuhay?]

Nakadapa ako sa kama habang kausap siya. Nagtuloy-tuloy ang pag-uusap namin hanggang sa malapit nang bumagsak ang mga mata ko pero pinipilit ko pa ring idinidilat.

Habang nag-uusap kami nagpatugtog ako nang mahina lang, 'yung tipong ako lang ang makakarinig.

Someday someone's gonna love me
Someday someone's gonna take your place
Someday, someday

Pa-Fall Where stories live. Discover now