PF: CHAPTER 22

2.9K 147 29
                                    

Pain

Khrysha's POV

Nandito kami ngayon sa Mall. Bibili na kami ng panregalo, para wala ng problema kapag malapit na ang Christmas party. 1 month pa naman, e sa excited din kasi kami.

"Bes tignan mo 'tong codename na 'to." Pinakita ko kay Kiana ang nabunot ko, "Lalaki o babae?" tanong ko.

Tinignan naman niya ng mabuti pero nagkibit-balikat lang siya. Pumipili na sila Queenie at Aphrodite ng mga regalo.

"Bear what if ang iregalo mo na lang ay pwedeng pambabae at panlalaki." Tumango ako sa sinabi ni Queenie. Oo nga 'no, hindi ko naisip 'yun. Nag-umpisa na rin akong pumili. Ikot dito, ikot doon ang ginagawa namin. Nakapili na sila pero ako wala pa rin. Kung pwede lang mug na lang ang ibigay e.

"Bear this one and this one." Napangiti naman ako. Ang galing talaga ni Aphrodite pumili.

Habang naka-pila kami, bigla na lang ako nakaramdam ng miss. Namimiss ko 'yung dating kami, 'yung nakakapag-bonding kami ng kami-kami lang. 'Yung panahong wala pa kaming pino-problema kundi ang mga assignments at projects. At higit sa lahat nakaka-miss 'yung wala pa kaming love life.

"Girls talk tayo later." masaya kong sabi.

Um-agree naman sila, nararamdaman din siguro nila 'yung nararamdaman ko ngayon. Dumiretso kami sa playground. Hindi naman kami maglalaro rito gusto ko lang talaga na makasinghot ng sariwang hangin. At saka natutuwa ako kapag nakakakita ako ng mga batang naglalaro.

"Omg! Bes anong meron sa inyo ni Stephen? Like duh, wala na ba si Maria sa puso mo?"
Kakaupo pa lang namin pero ayan na ang bunganga ni Queenie, putak na nang putak. Kiana rolled her eyes at humiga sa damuhan.

Dumapa kami sa tabi niya, "Walang kami." She sighed. Napa-what naman kaming lahat at hinihintay na magsalita siya ulit. Ang akala ko totoong may namumuo ng pag-ibig sa kanilang dalawa. Pinag-selosan ko pa siya kahit na hindi naman dapat.

"Pumayag akong maging fake girlfriend niya. Pero may kapalit 'yon syempre, kailangan pag-selosin namin si Maria. I'm so brlliant, right?" As soon as I've heard that, kinurot ko siya kaya napa-aray siya. So, masaya siya sa pinasok niya?

"Omg bes! As in laro lang ang lahat? Hindi pala totoo lahat ng pinapakita niyong ka-sweet-an? Gano'n?" Hindi makapaniwalang saad ni Aphrodite at niyugyog pa si Kiana.

Napakakitid din ng utak ng babaeng 'to e! Hindi ko alam kung papaulanan ko ba siya ng mura o kukurutin ng todo. Kung gusto niyang pag-selosin si Maria sana naman sa ibang tao na lang. Madali pa namang mahulog ang loob niya sa isang tao. Tsk, hindi maganda 'to.

"Bes, aminin mo nga sa 'kin ang totoo." Kapag alam nilang ganito na ako mag-seseryoso na silang lahat.

"Kita ko at ramdam ko na unti-unti ka na ring nahuhulog sa kanya. Paano kapag ikaw lang ang masasaktan sa bandang huli?" Nagpagulong-gulong siya sa damuhan saka ako ulit hinarap. Inaabangan namin ang sasabihin niya.

"Sa totoo lang feeling ko in love na ko sa kanya! Waahh! Bes anong gagawin ko?!" mangiyak-ngiyak niyang sabi.

"Ikaw na nga nagpakatanga, ikaw pa rin 'yung masasaktan."

Hindi ko gusto ang mga nangyayari. Ayokong nakikitang nasasaktan ang mga best friend ko kaya hanggat maaari habang maaga pa nilalayo ko na sila.

"I-enjoy mo na lang 'yan bes pero kapag kailangan ng humiwalay, awat na. Mumurahin ka talaga niyang si Khrysha, sige ka!" We laughed.

Lapit lang siya sa 'kin, mumurahin ko siya ng todo at ipapakita ko kung gaano ka-mali ang naging desisyon niya. Natatakot pa rin ako sa maaaring mangyari sa kanya. Dalawa lang 'yan e, una, magiging successful ang plano nilang pag-selosin si Maria. At pangalawa, ma-iinlove siya ng tuluyan kay Stephen at sa bandang dulo, siya pa rin ang talo sa larong ginawa niya.

Pa-Fall Where stories live. Discover now