PF: CHAPTER 34

172 11 11
                                    

Stupid Enough

Khrysha's POV

Pagkatapos nang nangyari kahapon balik ulit kami sa rati na parang walang nangyari. Mas maganda naman 'yung gano'n kaysa hindi kami magpansinan.

Kasalukuyan kaming kumakain sa room. Siksikan lang kasi kung sa canteen kami kakain kaya pagkatapos namin bumili dumiretso agad kami rito.

"Panget naiinggit ka ba sa kanila? Gusto mo gawin din natin?" bulong niya sa'kin. Gamit ang palad ko nilayo ko ang mukha niya sa'kin. Masyadong madikit. Muli kong tinignan ang mga nasa harapan ko. Dumako ang mata ko kina Aphrodite at Jelord na nagsusubuan ng pagkain. Habang sila Kiana at Maria naman naglalambingan. As usual, sila Queenie at Rhey nagbabangayan nanaman. 'Yon ata ang depinisyon ng "sweet" sa kanila.

Bagsak ang balikat kong tumalikod sa kanila tutal hindi naman nila ako pinapansin. "Sarap naman maging 7th wheel." bulong ko sa sarili ko.

Pagkaangat ko ng ulo ko saktong sumalubong sa'kin ang pagmumukha ni Jaye. Halos maduling ako sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. "Hihiramin ko lang 'tong cute na batang 'to."

Ako na mismo ang humila sa kanya nang walang sumagot kahit isa sa kanila. Hinila ko siya sa plant box sa tapat ng room. Ni isa sa'min walang nagsalita. Sakto namang nagawi ang mata ko sa madalas na tinatambayan nila Angel at Tamayo. Nando'n silang dalawa. "Ayan ka nanaman." Tinakpan ni Jaye ang mga mata ko habang 'yung isa niyang kamay naka-akbay sa'kin.

"Bakit ba gustong-gusto mo palaging nasasaktan?" Hindi ako nagsalita sa halip pinatong ko na lang ang ulo ko sa mga balikat niya. Wala namang pakialam 'yung mga taong dumadaan sa kung anong ginagawa namin kaya okay lang. Tinanggal niya na ang pagkakatakip sa mata ko pero nanatili akong nakapikit. 

Ramdam na ramdam ko ang bawat ginagawa niyang pagbubuntong-hininga. "Okay ka na ba?" Okay? Kailan ba ko magiging okay? Kailan ko ba mapapakita sa kanila na okay na ko? Na kaya ko na?

Ngumiti ako kahit hindi niya naman ako nakikita. Minulat ko ang mata ko. Kahit pala pumikit ako hindi pa rin magbabago ang mga nakita ko.

"Hahahaha oo naman! Ako pa ba?" Pinipilit kong itago 'yung lungkot sa boses ko. "Aww!" Hinihimas-himas ko ang noo kong pinitik niya nang malakas.

Pinatalikod niya ako sa kanya habang hawak ang balikat ko. Nag-flash sa utak ko ang nangyari sa'min ni Stephen kahapon. Kumabog ang dibdib ko kaya ginawa ko ang lahat ng paraan para makaharap kay Jaye. "Huwag kang haharap." ma-awtoridad niyang sabi kaya wala na kong ginawa kundi yumuko na lang.

"Pagod na ko. Pagod na kong magpanggap na hindi kita mahal, Khrysha." Nanatili akong nakayuko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sasabihin ko. Naguguluhan ako.

"Maybe it's my fault. For not stopping my heart to love you... Haha. There's nothing you can do to lose my love, anyway. Through ups and downs, I will always stay even it cause so much pain."

Sa pagkakataong ito humarap na ako sa kanya. Sakit. Kirot. Lungkot. Punong-puno ng emosyon ang mga mata niya. Ginulo niya ang buhok ko. "Sorry for the sudden confession. I'm just tired of pretending." Nakatitig siya sa mata ko nang sabihin niya 'yon habang nakangiti.

"Pasok na tayo baka dumating na si Ma'am." Titigan ang likod niya habang papalayo sa'kin ang tangi ko lang nagawa. Hindi pa rin kasi kayang i-process ng puso't-isipan ko lahat ng mga sinabi niya. Ilang minuto ang lumipas nang mapagpasyahan ko na ring pumasok.

Napatingin ako sa kamay na nakapatong sa kamay ko. Napaatras ako nang mapagtanto ko kung kanino 'yon. Paano ko makakalimutan ang mga kamay na unang humawak sa kamay ko? Agad naman niyang tinanggal ang kamay niya. Dire-diretso akong pumasok at umupo sa upuan ko. Nakita ko pang natigilan ang iba sa ginagawa nila lalo na si Daryl na pabalik-balik ang tingin sa'ming dalawa ni Benedict.

Pa-Fall Where stories live. Discover now